Prologue
Nakaupo lamang si Bela Rasgild habang nakatingin sa lalaking liyong-liyo sa paghithit ng ipinagbabawal na gamot. Suminghot pa ito ulit t’saka nakipaghalikan sa babaeng katabi nito.
“Boss,” mahinang saad ni Prazi ang kaniyang assistant.
Itinaas naman ni Bela ang kanang kamay niya indikasiyon na hayaan muna ito.
Namumungay ang matang umayos sa pagkakaupo ang binata at tiningnan si Bela t’saka nginisihan.
“Bela Rasgild?” anito at tumayo.
Kaagad na tumayo naman ang dalawang babaeng halos hubo’t-hubad na t’saka pinasuot ang roba nito. Nginitian naman ito ng dalaga at tinikwasan ng kilay.
“What can I do for you, lady?” tanong nito.
Nagsindi ito ng sigarilyo at umupo kaharap niya t’saka pinasadahan ng tingin ang kaniyang buong katawan. Dumekwatro naman si Bela at nginitian ito.
Tumango naman ang lalaki at sinenyasan ang tauhan nitong nakatayo lang sa gilid.
“You want the orb too?” tanong nito.
Ilang saglit pa ay bumalik na ang tauhan nito at may hawak na kahon na maliit.
Kinuha iyon ng lalaki at binuksan t’saka nginisihan siya.
“You’re not the only one who paid me a visit for this, at lahat sila ay hindi nagtagumpay. Ang iba naman ay nakipag-dinner na kay, Hudas,” saad nito at humalakhak.
“Fabio, kung ibibigay mo sa ‘kin ‘yan, sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan. I’ll heed whatever you say,” wika ng dalaga.
Tumikwas naman ang kilay ng lalaki at natawa nang pagak.
“What can a mere lady do for me?” anito at tila iniinsulto pa siya sa klase ng tingin nito.
Naikuyom ni Bela ang kamao niya at pinigilan ang sariling lukubin ng galit. Tiningnan niya ang lalaki at nginitian nang tipid.
“I’m the head of the Cosa Nostra. The heir of Rasgild familia, and the one who beheaded Rocky,” sagot niya rito.
Natigilan naman ito at manghang tiningnan siya.
“So, you’re the cold killer huh?” anito at manghang-mangha.
“You know what, Bela? I really need your protection, lalo pa at marami akong transaction na pupuntahan. But I don’t want to trouble myself lalong ayaw kong maipit sa sigalot niyo ng pamilyang Monti. I have a lot in my plate now, and this orb is mine. Sa akin lang at walang sino man ang puwedeng umangkin not unless...”
“What?” seryosong tanong ng dalaga.
“Unless you become my wife,” sagot nito.
Bela bit her lips not to suppressed her laugh. Kita niya na seryoso ito sa sinasabi kaya umiling ang dalaga.
“You want s*x?” deriktang tanong niya kay Fabio.
Natigilan naman ito at ilang saglit lang ay humalakhak. Pinatay nito ang sigarilyo sa palad niya at pumalakpak pa na tila tuwang-tuwa sa sinabi niya.
“Bloody hell! Iyan ang gusto ko. Blunt and wild,” anito at suminghot. Ipinilig pa nito ang kaniyang ulo nang makailang beses t’saka nginisihan siya.
Pulang-pula ang mata nito at tila tumama na ang sinisinghot nitong droga kanina.
Tumayo si Fabio at sumenyas na sa tauhan niya na ibalik ang orb sa taguan nito. Pasimpleng sumenyas din naman si Bela sa tauhan niya at tumayo.
Nilapitan siya ni Fabio at hinaplos ang kaniyang mukha.
“Ang ganda mo,” saad nito at parang ulol na sinisinghot ang kaniyang buhok. Kaagad na nasira ang ekspresiyon ng mukha ng dalaga dahil sa pagiging asal-aso nito.
“I didn’t say you can touch me,” malamig niyang sambit at matalas na tiningnan si Fabio mata sa mata.
Natigilan naman ito at napaatras. Tumawa ito at mabilis na kinuha ang baril sa gilid t’saka itinuon sa kaniya. Mabilis ang kilos na itinuon din ng tatlong tauhan niya ang mga baril nito sa mga tauhan ni Fabio. Nanatiling kalmado si Bela. Kung susumahin ay talo siya dahil teritoryo ito ng binata.
“This is my fortress. Ako ang masusunod, hindi mo ba alam iyon?” anito at nilaro-laro ang baril.
Ngumisi ito at itinuon ang baril sa noo niya.
“Bang!” sambit nito at tiningnan siya.
Hindi kumurap ang dalaga at nanatiling tiningnan lamang si Fabio.
“Ibigay mo na sa ‘kin ang orb. Ilang sandali lang ay susugurin ka na ng mga kalaban mo rito,” seryosong wika niya.
“Mukha ba akong takot? Hindi ba ikaw dapat ang takot ngayon dahil kayang-kaya kitang patayin ngayon din,” anito at galit na naman.
Baliw na nga ito.
“Ako ang Diyos! Mga taga-sunod ko lang kayo,” singhal nito at humalakhak na naman.
Idinipa nito ang kaniyang kamay at tumayo sa unahan ng pool at pumikit.
“Nandito na ang aking prinsesa,” saad nito at ibinuka ang kaniyang mata t’saka tiningnan si Bela. Sa tingin niya ay nagha-hallucinate ito.
“Kahit patayin niyo pa lahat ng tauhan ko o ako, hindi niyo makukuha ang orb. I am the light, the way, and the key,” sambit nito t’saka tumalon sa pool.
Napalingon naman si Bela sa labas ng glass wall nang makarinig ng sunod-sunod na ugong ng sasakyan.
“s**t!” mura niya at mabilis na tinalon ang pool at hinila palubog si Fabio. Hinila niya ang ulo nito nang akmang aahon nang mayanig ang buong bahay sa lakas ng pagsabog.
“Papatayin mo ba ako ha?” singhal nito sa kaniya at habol-habol ang hininga dahil sa pagkalublob sa tubig.
Mabilis na hinubad ng dalaga ang suot niyang jacket at sinamaan ito ng tingin.
“Kung sana hindi ka na nagmatigas hindi tayo malalagay sa alanganin,” sambit niya at hinila ito paahon sa pool.
“Bullshit! My house!” anito at umiiyak na nilapitan ang walang buhay niyang mga babae.
“Mary Jane! Mary Joy! Mahal kong mga pota!” sigaw nito at napaluhod.
Nilingon niya si Bela at sinamaan ito ng tingin.
“Dahil sa inyo kaya namatay ang mga mahal kong pota,” galit nitong wika at pinagbabaril siya.
Mabilis na napatakbo naman siya pagilid at ni-reload ang baril niya.
“Baliw!” aniya at sinundan itong tumatakbo sa hindi niya alam kung saan. Kalahati ng bahay nito ay nasusunog na at rinig na rinig niya ang palitan ng iilang putok sa labas.
Natigilan siya nang makita ang babaeng may hawak na shotgun at sa likod nito ay may samurai.
“Azi,” mahinang sambit niya.
“Genki desu ka, Rasgild?” sambit nito at mabilis na binaril siya. (How are you?)
Kagaad na nagtago siya sa wall at napasinghap nang tumagos ang bala ng shotgun at kamuntik na siyang madale. tumakbo siya pabalik sa pool at nakipagpalitan ng putok ng baril dito.
She did not came here unarmed.
Lumabas siya nang maubos ang bala ng shotgun ni Tessa. Nginisihan niya ito at sabay na patakbong nialpitan ang isa’t-isa. Rinig na rinig niya ang nakakabinging tunog ng paglabas samurai nito.
“Anata wa shinudeshuo,” gigil nitong sambit at buong lakas na sinugod siya. (You’ll die)
“Not now, never,” sagot niya at inilabas ang ninja blade niya at ibinato sa tagiliran nito.
Rinig niya ang paglagabog nito dahil sa pagkatama sa sirang mesa. T’saka niya rin napansin ang mahapdi sa bandang balikat niya.
Nilapitan niya ito at kita niyang napuruhan. Itinuon nito ang samurai sa kaniya kaya nginisihan niya ito.
“Sayunara, Azi. Anata no kami ni yoroshikuo tsutae kudasai,” aniya at kinuha niya ang baril at inasinta ang noo nito. (Goodbye, Azi. Send my regards to your god)
Kaagad na bumulwak ang dugo sa noo ng babae nang matamaan.
Kinuha naman ni Bela ang samurai nito at mahigpit na idiniin sa sahig ang dulo dahilan para makagawa ng nakangingilong tunog. Naglalakad lamang siya papasok sa pinuntahan ni Fabio.
Rinig niya ang ungol ng sakit sa unahan.
Binuksan niya ang suot na earpiece.
“Boss, the car is outside. Maghihintay po ako roon,” saad ni Pazzi.
“Okay,” sagot niya at pinulot ang isa pang shotgun.
Tumayo siya sa malaking pinto at pinagbabaril iyon. Nang makapasok ay dumerito sa helipad ni Fabio. Nakangisi ito at kumakaway sa kaniya na tila ba nanalo na ito.
“Babye!” sigaw nito at humalakhak.
Huminga nang malalim si Bela at namulsa. Tumakbo siya papaunta sa helicopter at kita niya pa ang gulat sa mukha ni Fabio.
“Itaas mo na, punyeta!” singhal nito sa piloto.
Ngumiti naman si Bela nang ibinaba ulit ng piloto ang helicopter. Kaagad na nawalan ng kulay ang mukha ng binata nang mapagtantong naisahan siya.
“f**k you!” sigaw nito. Galit na dalit ang mukha nito at tila gusto na siyang patayin.
“Any last words?” tanong niya rito at nginisihan nang nakakaloko.
“Kahit hukayin niyo pa ang bahay ko, hinding-hindi niyo makukuha ang orb. Ako lang ang magmamay-ari nu’n. Pinasa iyon sa akin ilang henerasiyon na ang dumaan,” sambit nito at ngumisi.
“Are you sure?” nanunuyang smabit ng dalaga.
“Hahahaha! Come on, kill me now, Bela,” wika nito na tila hinahamon pa siya.
“Okay,” sagot niya at sa isang iglap lang ay pinutol ang ulo nito.
Patakbong nilapitan naman siya ng mga tauhan niya.
“Boss, paano na ang orb?” tanong ng tauhan niya.
Yumukod naman ang dalaga at pinulot ang putol na ulo ni Fabio. Tiningnan niya mukha ng binata at binuksan ang mata nito. Napapiksi pa ang isang tauhan niya nang itapon niya ito rito.
“Gamitin niyo ang mata niya sa scanner. May pupuntahan pa akong party,” saad niya.
Kaagad na yumuko naman ang tatlo sa kaniya.
“Yes boss,” sagot ng mga ito.
Sumakay naman ang dalaga sa helicopter at sinenyasan ito na ibaba siya sa kotse sa labas na nakaabang.