Hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagising na lang siya sa kuwarto niya. Napatingin siya sa kaniyang katawan at nakabihis na siya. Bumangon siya at napahawak sa kaniyang ulo. Ramdam niya rin ang matinding uhaw kaya nagsalin siya ng tubig at ininom iyon. Napatingin siya sa pinto nang pumasok si Duday at nakangisi. Tila kinikilig pa ito nang malapitan siya. “Bakit?” takang tanong niya. “Nakita ko kanina buhat-buhat ka ni, Hades papasok dito sa kuwarto mo. Iba na ang suot mo at wala siyang damit. Ibig sabihin may nangyari sa inyo. Ang laki ba kaya ka nawalan ng malay?” usisa nito sa kaniya. Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito. “D-Dinala niya ako rito sa kuwarto?” panganglaro niya. Tumango naman si Duday. Natigilan si Elinor at napalunok. “Ano? Bilis na kuwento ka na,” pangungul

