Naiwan ang dalaga na walang imik. Unang pagkakataon na pinagbuhatan siya ng kamay ng binata. Hindi niya lubos maisip na kaya siyang saktan nito. Akala niya ay katapusan na niya kanina. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga mata nito at tila walang planong bitiwan siya. Kaagad na tumulo ang kaniyang luha at napatingin sa kisame. Nakahiga siya at bumabalik ang ginawa nito sa kaniya kanina lang. Hindi niya alam kung bakit nagalit ito kaagad. Tama nga si Duday hindi pa niya lubos na kilala si Hades. Kung ano ang ipinapakita nito sa kaniya ay masiyado pang mababaw. Hindi talaga totoong mabuti ang binata. Kung mabait ito kahit na ano pa man ang pag-awayan nila ay hinding-hindi siya nito sasaktan. Galit na galit ito kanina. Sinabi niya lang ang gusto niyang sabihin. Maiintindihan niya kung nagalit

