HAR-31

1588 Words

Nakita ni Elinor ang ina niyang inaalalayan ng ama niya at nangayayat nga ito. Hinintay niyang makaupo ito sa kaniyang harapan. Hindi siya mapakali dahil sa tagal ng panahon nagkaharap sila ulit. Tahimik lang sa tabi si Solana. “Eli,” wika ng ina niya at kita naman niya ang siya sa mukha nito na makita siya. Hindi niya nga halos matingnan ang ina dahil nakikita niyang hindi maayos ang sitwasiyon nito ngayon. “K-Kumusta na po kayo?” mahinang tanong niya. Ngumiti naman ito nang tipid at tila gusto pa yatang hawakan ang kamay niya. “Medyo maayos na ngayon anak. Masaya akong makitang maayos ang kalagayan mo,” sagot nito. Kita niyang namumula ang mga mata nito at maiiyak na. “Huwag po kayong mag-alala sa ‘kin. Maayos po ang kalagayan ko at hindi ko pinababayaan ang sarili ko,” sagot niya ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD