HAR-12

1209 Words

"Naglalaro ka ML?" tanong ni Bela sa kaniya. Natigilan naman siya at mahinang umiling. Ngumisi naman ang dalaga at kaagad na kinuha ang cellphone nito. "Laro tayo," aya nito sa kaniya. Natigilan naman si Elinor at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kinuha na lang din niya ang cellphone niya pero wala pa lang naka-install. "K-Kaso wala akong app," aniya. Kinunutan siya ng noo ni Bela at tumayo ito. Kaagad na napapiksi siya sa gulat. Mukhang nawala yata sa mood niya. Nahihirapan si Elinor na makipagsabayan sa kaniya at mukhang masiyadong mainitin ang kaniyang ulo. Bumalik na ito at ibinigay sa kaniya ang isang cellphone. Mabilis na tinanggap naman niya iyon. Tahimik lang sila pareho at ilang saglit lang ay nakatanggap siya ng invite mula kay Bela. Tinanggap niya iyon at nagsimula na sila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD