Chapter 9

2624 Words
Lalo niya pang nginudngod ang mukha nito sa mesa at napasigaw na lang ito sa sakit. “I-Ideya iyon lahat ni, Sita. Gusto niyang balikan ka. Napagkasunduan namin na magbayad ng kakilala namin para pagsamantalahan ka,” anito. Natawa naman nang pagak si Bela at tiningnan si Sita. “Bait mo naman, paano ba ‘yan?” aniya rito. “So what? Sira ka na rin naman ngayon. Deserve mong ma-rape!” sambit nito. “Grabe! Ang sama ng ugali niyo!” komento ng kasama nilang matatanda. “Sisiguradohin kong makararating ‘to sa amo,” wika ni Aling Yuli. “Samahan pa kita, Aling Yuli. Paniguradong pandidirihan lang ‘yan nina sir at madam,” sagot ni Sharon. “Ano ba ang ipagmamalaki mo ngayon, Bela? Dahil maganda ka? Maganda ka nga pero pinagpasa-pasahan ka na,” dagdag pa ni Sita at tinawanan pa siya. Hinila naman niya ang buhok ni Lucia at basta na lang itong itinulak sa gilid. Dumudugo ang ilong at gulo-gulo ang buhok. “Sure ka? Ba’t hindi niyo kaya tawagan ang mga lecheng iyon para malaman niyo kung nasaan sila. Mukhang kailangan nila ng tulong niyo ngayon,” nakangiting wika niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Kita niyang tila naalarma na sila. Nilapitan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa. “Alam mo, wala naman na sana akong balak na awayin ka pa dahil sayang ka sa oras. Hindi ka kagandahan at walang interesanti sa ‘yo. Kahit nga sa pagsayaw para kang bulateng hindi mapirme.” Nagtawanan naman sila. Akmang aalis ang dalawa nang pigilan niya ang mga ito. “Hindi pa tayo tapos, hindi pa ako tapos. Hindi kayo aalis nang ganoon-ganoon lang,” aniya. Tila nagtaka naman ang mga ito. Hinawakan niya ang buhok ng dalawa at basta na lang na inumpog. Kita niyang tila mawawalan na ito ng ulirat. “Ding, alam mo bang nilagyan din nila ng laxative ang inumin mo?” “Ano? Ang mga lintik na ‘to!” singhal niya at walang pasabing sinunod ang mga ito. Kaagad na napuno ng hiyawan ng sakit ang kusina nila. Hindi iyon tinigilan ni Doding hangga’t hindi magkapasa-pasa ang katawan ng tatlo. “Tang-ina niyo ah! Napahiya ako roon kagabi dahil sa kagagawan niyo. Mga bwesit kayo!” singhal nito. Napaisip naman si Bela. Hindi puwedeng hindi niya mabawian ang tatlong lalaking iyon. Kailangan niyang mabawian at hindi siya makatutulog kapag ganoon. Walang sino man ang puwedeng umapi sa kaniya. Tiningnan niya ang tatlong nakaluhod ngayon sa kaniyang harapan at umiiyak. Gulo-gulo ang buhok at may bakas pa ng dugo ang bandang bibig. “Hello guys! May dala akong dirty ice cream,” sigaw ni Steven na kapapasok lang. Kaagad na nagtayuan naman ang tatlo at tila magpapatulong pa sa binata. Tiningnan lamang niya ang mga ito at nginitian. “Saan ba kayo kagabi at mukhang iba yata natira niyo,” komento niya. Nakatingin lamang si Bela sa kaniya at naki-cringe talaga siya sa mukha nito. “Steven, tulungan mo kami. Ipagtanggol mo kami sa insekyuradang ‘yan. Baliw na siya,” umiiyak na wika ni Sita. Napatingin naman si Steven sa kaniya at napakamot sa kaniyang ulo. “And why?” alanganin niyang tanong. Nag-abot naman ang kilay ng dalaga. Alam nito ang nangyari at may gana pa talagang magtanong kung bakit. “Pinagsamantalahan siya kagabi tapos sinisisi niya sa ‘min. Marumi na nga hindi pa marunong tumanggap ng sariling pagkakamali,” ani Lucia. “Kasalanan ba namin kung naging pabaya siya sa sarili niya?” dagdag naman ni Sharon. “Kasalanan niyang mapagsamantalahan tapos ngayon isisisi sa ‘min. Ang kapal ng mukha. Steven, kailangan mo kaming ipagtanggol sa kaniya,” wika ni Sita. “You’re right,” ani Steven. Nanlisik naman ang mata ni Bela sa narinig mula sa kaniya. “Though I am the one who saved her last night,” ani Steven. Nanlaki naman ang mata nila sa narinig. “What did you did is so cruel. Babae pa naman kayo. Bago pa siya rito kaya you should welcome her. Ito ba ang pa-welcome niyo sa kaniya? If you’re so confident right now, why dragging her down? Sabi niyo she’s insecure, pero bakit iba ang nakikita ko? Three against one? Kung hindi ako umuwi kagabie God knows what happened to her. At kagagawan niyong tatlo ‘yon. Marami ang gustong makapagtrabaho rito sa farm. Hindi namin kailangan ang katulad niyong walang ibang ginawa kung hindi ang gumawa ng gulo,” seryosong wika ni Steven. Kaagad na naalarma naman ang tatlo at lumuhod saka nagmamakaawang huwag sibakin sa trabaho. “Bago niyo sana gawin ang masamang bagay na ‘yon ay nag-isip kayo nang maayos. Ganito niyo ba tratuhin ang mga kasama niyo? Paano na ang mga elders dito? Porket malalakas kayo at sa tingin niyo ay angat ang lakas niyo ay puwede na kayong magmalaki. Isipin niyo, pantay-pantay kayo rito. Walang extra fee ang pagiging papansin dito,” dagdag pa ni steven. Seryoso ang boses nito at mukhang totoong pinapagalitan ang tatlo. “Simula ngayon, kayong tatlo. Doon kayo sa piggery,” aniya. “Ha?” “Steven, ang baho roon. Mabigat ang trabaho at hindi namin kaya,” reklamo ni Sita. “Kaya niyo ngang lapastanganan ang kasama niyo. Ano lang ba ang pag-aalaga ng baboy?” sabat naman ni Aling Yuli. Sinamaan naman ito ng tingin ni Lucia. “Sige na, lumipat na kayo roon,” matigas na sambit ni Steven. Umiiyak na tumayo naman si Sharon at sinamaan ng tingin si Bela. “Doon kayo mag-stay for five months,” dagdag ni Steven. “Ano?” Parang nawalan naman ng lakas ang tatlo na umalis at nag-impake. May quarters din kasi sa piggery. Nang makaalis ang tatlo ay ramdam ni Bela na sobrang gaan ng paligid. “Okay ba?” tanong ni Steven sa kaniya na nakangiti. Tiningnan niya lang ito at hindi na pinansin. “Sungit mo naman. Ganiyan mo ba tratuhin ang savior mo?” tanong nito sa kaniya. “Takpan mo ‘yang bunganga mo,” ani Bela at kinuha ang ice cream saka tahimik na kumain. “Steven, salamat ha. Matagal na kaming nagtitimpi sa mga babaeng ‘yon. Buti naman at inalis niyo rito. Baka kako’y habang-buhay na sila roon sa piggery,” wika ng kasama nilang matanda na rin. “Oo nga, para matuto naman at hindi na makapanakit ng iba,” sang-ayon ng isa pa. Nakatingin lamang si Steven sa kanila. “Matagal na pala kayong hindi okay rito,” anito. “Oo, ang mamaldita eh. Buti nga hindi nagpaapi itong si Bela. “ Napatingin naman si Steven sa kaniya at itinaas ang hinlalaki. “Bakit?” tanong ng dalaga sa kaniya. “Buti naman at lumaban ka,” sambit nito. “Naman! Alangang hayaan ko silang insultohin ako. Bugbogin ko pa sila isa-isa eh,” wika niya at napailing. Hangang-hanga naman si Steven sa kaniya. “Steven,” nakangiting wika ni Doding. “Hi Ding,” bati ng binata rito. Kinilig naman si Doding at tumabi rito. “Baka naman puwede mo ring dalhin dito si Rufos oh. Mukhang friends na kayo nitong kaibigan ko,” sambit ni Doing. “Oo naman,” mabilis na sagot ni Steven. “Grabe! Wala ka talagang katulad. Salamat, Steven,” ani Doding at kumindat pa. Napangiwi naman si Bela. “Birthday ko sa susunod na araw. Baka naman gusto niyong pumuntang dalawa. Doon lang sa bahay ko idadaos,” wika nito. Halatang sinesenyasan pa si Doding para mapapayag si Bela. “Anong klaseng tingin ‘yan?” istriktang tanong ng dalaga kay Doding. Nilapitan naman siya nito at hinawakan ang kaniyang kamay. “Bela, hindi ba sawa ka na sa gulay at isda nating ulam dito? Sa birthday ni, Steven may lechong baboy. Masarap iyon lalo na ang balat. Baka naman gusto mong pumunta?” wika nito. Tinikwasan niya lang ito ng kilay. “Busy ako,” sagot niya. “Gabi naman iyon eh. Saka hindi naman tayo uuwi nang matagal.” “Hindi ako sure,” sagot niya. Bumusangot naman si Doding. “S-Sige, ako na lang ang pupunta,” anito. “Puwede ba kami makadala ng meat?” tanong ni Bela kay Steven. Kaagad na tumango-tango naman si Steven at nginitian siya. “Kahit limang kilo pa,” paninigurado nito. “Deal,” aniya at tumayo na. “Bilis mapapayag ah,” komento ni Doding. “Rather than eating grass every day,” saad ni Bela na ikinatawa naman ni Doding. “Saan ka na?” tanong pa ng matanda. “Matutulog.” Manghang nakatingin lamang si Steven sa likod ng dalaga. ---------------------------------------------------------- “Where have you been?” tanong ng pinsan niya. “Just somewhere,” sagot ng binata. Tumaas naman ang kaliwang kilay nito. “You think I don’t know? Come on, Stefano. Alam kong interested ka sa bagong worker ko,” sambit nito. Napangiti naman ang binata. “Your father called again. Pinapauwi ka na at ano raw ba ang ginagawa mo rito. Nagsasayang ka lang ng oras,” sambit nito. “The hell he cares. Wala naman iyong pakialam sa ’kin. Sabihin mo nag-e-enjoy akong magpakain ng baka,” sagot niya rito. Natawa naman ang pinsan niya. “Anyway, Tere wanted to be here. Tinatanong niya sa ’kin nu’n nakaraan kung saang province ka pumunta,” anito. “Don’t you dare tell her,” banta niya rito. “I did not. And I wouldn’t dare. Alam kong malalagot ako sa ‘yo,” saad nito. Kinuha naman ni Stefano ang bote ng alak at tinungga iyon. “Where did you get that woman? She’s different. I like her.” Tukoy nito kay Bela. “That Belinda Ramos? Bud, you’re doomed. Huwag mo ng subukan. Malalagay lang ang buhay niyan sa panganib if ever Tere will find out about her.” “She’s not easy to bully, buddy. Malakas at matapang. Kita mo talagang hindi siya basta-basta na babae lang. I think she’s hiding something from us. Parang sanay na sanay na makipaglaban. Kahit sino inaaaway at walang inaatrasan,” wika niya. “Your voice is full of amazement. You’ve fallen for that girl,” natatawang wika ng pinsan niya. “You wouldn’t like calling her girl. Kung alam mo lang kung gaano siya katapang,” sagot niya rito. “You’re being serious about liking that woman?” seryosong tanong ng pinsan niya. “Why not?” “Alam mong hindi puwede,” sagot nito. Natawa naman si Stefano rito. “Walang hindi puwede sa bokabularyo ko, buddy. You know that. What I want, I get it,” sambit nito. Napailing-iling na lamang ang pinsan niya. “Ah, nga pala. Someone sent a mail. Asking for money in exchange of that Rasgild’s heiress picture,” wika nito. Stefano’s eyebrows creased. “How much?” “Just five million,” saad nito. “Too cheap, that’s scam,” sagot niya. “Nope,” mabilis nitong saad. “You sure?” “Yes, and this woman is somehow close to her. Ang sabi ay pinsan ng best friend niya,” anito. “That woman is too careful with her identity. Nakita na natin lahat ng mukha ng pamilya niya pero sa kaniya lang hindi. Her father and brothers really knew how to protect her. Alam mo bang ni isang record ng mukha niya sa mga universities na in-attend-an niya wala. Her socials were always profiled as a dog,” wika nito. Natawa naman si Stefano. “Of course! What would you expect? Kapag nalaman ng lahat ang pagkatao niya, sa dami ng mga nasagasaan niya hindi lang tayo ang maghahabol. I’m sure the police all over this country will go after her,” aniya. “You’re not an exemption,” sabat ng pinsan niya. “That’s why I’m here---hiding,” anito at nginitian siya. “Killing that general really caused you a lot of trouble. Buti sana kung walang witness kaso binarumbado mo,” wika ng pinsan niya. “Bud, I have to,” giit niya. “I already warned him not to intervene. I hate cops, I hate them. I don’t need their so-called heroic acts. After all, hindi naman nila ididiga ang nakukuhang shabu. Sila-sila rin naman ang gagamit. People should thank me. Ginawan ko ng solusyon ang problema sa mundong ‘to,” aniya at ngumisi. “Whatever,” anito. “You should tell them uuwi lang ako one day. Not now, that I’m still having fun,” seryosong wika nito. “Your birthday is coming.” “Yea, I need to roast one of your pigs. At least naman huwag mong hayaang purgahin ng gulay ang mga trabahante mo. I heard them,” wika nito. “What do you mean? May weekly budget sila for meat. I already gave it to Sita,” sambit nito. “That worker of yours is too much. Muntik ng ma-rape si Bela dahil sa kagagawan nila ng kaibigan niya. As much as I want to punish them, wala ako sa posisyon,” aniya. “You know that what’s mine is yours,” giit ng pinsan niya. “No buddy, I don’t share with others. Yours is yours,” anito. “Don’t worry, this matter will be handled seriously,” wika nito. “Good.” Nakatingin lang ang pinsan niya sa kaniya. “Also, about the roasted pork?” paninigurado niya. “Oo na, ako na ang bahala.” “Wala akong babayaran. Wala akong pera dito. Isa pa, bayad na iyon sa pag-aalaga ko sa mga baka mo,” anito. “Oo na.” Itinaas naman ni Stefano ang kaniyang hinlalaki. “You’re the best cousin, ever.” Napangiwi naman ang pinsan niya. “Cringe.” Naglakad na si Stefano pabalik sa bahay niyang cottage like lang naman. Natigilan siya nang makita sa hindi kalayuan si Bela na nakasandal sa malaking puno at may umuusok. “She’s smoking?” aniya. Nilapitan niya ito para makasigurado at naninigarilyo nga ito. “That’s dangerous for your health,” komento niya rito. Tamad na nilingon naman siya ng dalaga at binugahan ng usok. “Baga mo masisira?” tanong nito. Umiling naman siya. “Then? None of your business,” anito. Natawa na lamang siya. Kakaiba ang babae. Talagang ibang-iba ito. Walang pakialam at sobrang maldita. What you see is what you get. Hindi mapagpanggap. He’s a feared mafia-boss in real life pero pagdating sa babae ay talagang bumahag ang buntot niya. He can be ruthless and dangerous pero pagdating kay Bela pakiramdam niya ay nagiging puppy siya. Hindi niya kayang magtapang-tapangan. She makes him soft unnecessarily. Talagang tiningnan naman siya ng dalaga. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Bela sa kaniya. “Nakita lang kita kaya nilapitan kita kaagad,” saot nito. Tumango naman si Bela. “Mukhang maayos ka naman at mayaman. Ba’t ka nagtitiis sa lugar na ‘to?” tanong ng dalaga sa kaniya. “On vacation,” sagot lamang niya. “Puwede mo ba akong isama sa ‘yo kapag uuwi ka sa inyo? I bet sa city ka naman nakatira,” sambit niya. Natigilan naman si Stefano at tumango. “C-Conservative ang family ko eh,” sagot niya rito. Bela inhaled deeply. He knows she’s getting annoyed. “Joke lang!” bawi niya rito. Tiningnan naman siya ni Bela. “You’re quite a catch though. Gusto mo ba akong pakasalan?” deriktang tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya makapagsalita kaagad. Humithit naman ulit ang dalaga ng siogarilyo niya at natawa. “You can’t handle me if ever. Nevermind, magugulo lang ang buhay mo,” anito at tinalikuran na siya. “Hey! “ tawag niya rito. “Pag-iisipan ko muna,” aniya at napangiti. Para siyang nanalo ng lotto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD