"Come on, dude. Help me to find this woman. I really, really want to find and see her again," sabi ni Cameron habang papasok sila sa opisina ni Luhan. "No, I must see her." Napapailing na lang siya sa paulit-ulit nitong sinasabi. Kagabi pa ito nagpapatulong sa kanya na hanapin ang babaeng bigla na lang yumakap dito. Nagpunta pa sila sa CCTV room ng club para lang makita ang CCTV footage kung saan niyakap nga bigla si Cameron ng isang babae. They didn't do anything else except she hug him at sinubsob ang mukha nito sa leeg ng kaibigan niya. Pero sa kasamaang palad ay hindi nila namukhaan ang babae dahil maliban sa medyo may kadiliman ang kinaroroonan ng dalawa ay nakayuko lang ang babae hanggang sa makalabas ito ng club. Nakapasok na nga sila sa opisina niya pero ang bukambibig pa din n

