Hindi nagtagal ay nakarating na din sina Luhan at Mafial sa beach resort ni Richard. Nang makababa siya ay napatingin siya sa isang simpleng bahay bakasyunan. It was made by a bamboo with a glass window. Ganitong-ganito ang simpleng vacation house na gusto niya. Parang gusto niya tuloy bumili ng lupa na malapit sa dagat at magpatayo doon ng ganitong vacation house. "Akala ko ba magiging beach resort ito? Bakit may bahay bakasyunan dito?" Lumapit siya kay Luhan na nasa trunk ng sasakyan at kinukuha ang mga gamit nila. "Vacation house 'yan ng magmamay-ari dati. Maganda ba?" Tumango naman siya. "Yeah. Ang ganda ng pagiging simple niya." Napangiti naman si Luhan dahil nagustuhan ito ng dalaga. "Kaya hindi na pinagiba ni Richard at napagdesisyunan na diyan na lang. Sayang din naman kasi."

