[RAVEN ALEXA'S P.O.V.] "Where the hell is Stephen?! Magsisimula na 'yon event pero wala pa siya rito.” Naiinis na ako dahil kanina pa namin tinatawagan si Stephen kaso hindi naman ma-contact ang phone niya. "Hey, relax yourself. Malay mo naman ay na-traffic lang siya? Uso rin naman ang traffic dito sa Paris, ‘no,” pagpapakalma sa akin ni Peony. Narito na kami sa Paris ngayon para sa modeling event na magaganap. Ilalaban namin ang mga designs namin at sina Ate Myo at Stephen ang mga models namin. Ito ang ilang buwan na naming pinaghahandaan. Na-delayed lang dahil sa nangyari kay Peony. Pero ngayon naman ay ayos na siya at naka-recover na. Mabuti na lang at walang na-damaged sa utak niya. "I'll go to the restroom first,” paalam ko sa kaniya saka umalis. Dumeretso muna ako sa backst

