[KYDE FRANCIS' P.O.V.] Ngayon na ang unang araw ng showing ng movie nina Farrah at Vash. Ang daming interviews ang naka-abang sa kanila dahil bagong labas na mga actors and actress sa bansa namin. Ang movie na ginawa nila ang unang palabas na nagawa ni Vash na siya ang male lead. While ganoon din para kay Farrah. Pero noon pa lang ay nag-eextra na si Vash sa mga palabas. Halos lahat naman ng mga artista ay sa extra nagsimula. Sa mababa muna hanggang sa umangat. Marami naman nang nag-aalok kay Vash noon na maging male lead sa isang movie, ngunit ayaw niyang tanggapin. Galing siya sa isang mayaman at kilala na pamilya kaya siya inaalok ng ibang movie companies. Ngunit ayaw niya na makilala siya dahil ganoon ang estado niya sa buhay at ng pamilya niya. Mas gusto niya na magsimula sa mababa

