MODEL

1900 Words
[RAVEN ALEXA'S P.O.V.] "Ate Raven?" Naka-silip si Peony sa harap ng pintuan ng office ko nang tawagin niya ako. "Come in, Peo," aya ko sa kaniya. Lumapit naman agad siya sa akin. Umupo siya sa harapan ko at inilapag ang isang folder, "What's this?" tanong ko saka ko binuksan ang folder na 'yon. "Ate, may appointment tayo mamaya kay Mr. Stephen Bible. Tapos kasama natin si Ate Myo." Kumunot naman ang noo ko kaya napatingin muli ako sa kanya nang mabuklat ko ang folder. "Bakit naman kasama si Ate Myo?" "E kasi naman, she's our model. Feeling ko ay pwede silang maging tandem ni Stephen. Titignan pa natin kung bagay ba sila o hindi." Ngumuso ako, "Hindi ba pwede na ako na lang ang maging partner ni Stephen?" biro ko. Natawa naman si Peony sa akin, "Hindi pwede! You're not a model, Ate Ven." Natawa rin ako at umiling, "Just kidding. Well, sige. Let's just see later kung bagay ba sila." Pero siyempre, hindi sila bagay ni Ate Myo kasi ako lang ang bagay kay Stephen! Oh Ven, enough with being a fan girl. Kailangan kong maging propesyunal ngayon lalo na at isa ako sa mga CEO ng kumpaniya namin na ito. "Anong oras ba ang meeting?" tanong ko habang chine-check na ang folder. Nakalagay na roon ang mga designs niya ng mga damit pang-babae at pang-lalaki. Napatango-tango ako habang namamangha sa mga gawa niya. Ilang beses ko nang nakita ang mga gawa ni Peony pero namamangha pa rin talaga ako. Ang galing niya talaga sa pagde-design. While me, I just like photography. "Mamayang five-thirty in the afternoon ay narito na sila. Handa na rin naman ang studio para sa shoots na magaganap mamaya. Ikaw ba ang kukuha ng mga pictures?" Tumango naman ako. "Of course, Peo! Isang hottest Bible ang kukuhanan ko ng picture kaya siyempre, gustong-gusto ko 'yon!" excited na sambit ko. Nagtawanan kami hanggang sa lumipas ang oras at 5:15 PM na. Nag-palit ako ng damit. I'm wearing a faded boyfriend jeans and white sleeveless shirt. Naka-flat shoes ako at may light make up. Hinayaan ko na nakalugay ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Lumabas ako ng office at dumeretso sa seventh floor kung saan nandoon ang studio for shooting. Ang building kasi namin ay may ten floors. Sa first floor ay naroon ang mga secretaries at ibang trabahador sa company namin. Sa second floor ay for electronic toys, third floor for Kuya Cyrus and Kuya Kyde's office. fourth floor ay ang music studio nila and recording room, fifth floor ay para sa mga designing artist namin. Syempre ay may mga kukuhanin din kami ni Peony na may mga talent sa pagde-design ng damit. Hindi naman pwede na si Peony lang ang gagawa ng lahat. Sa sixth floor naman ay ang office ko and Peony's office, seventh floor ay ang studio for photography. eighth floor ay para sa mga rehearsals ng mga models. The 9th floor is for our friends para kung sakaling may mga party kami ay doon gaganapin. And the last floor ay ang magiging stock room namin. Meron ding isang room doon na kung saan ay private at kaming apat lang nina Peony, Kuya Cy, at Kuya Kyde ang pwedeng pumasok. Well, sina Aster at ang mga iba pa naming kaibigan ay pwede ring pumasok doon. Naglalaman kasi iyon ng mga armas. Siyempre ay namana namin ang mga magulang namin. Ang mga kakayahan nila sa pakikipag-laban. Kaya naman ay may sariling elevator ang tenth floor kung saan ay may passcode. Mayroong rooftop din. Pero 'di pa ako nakaka-punta roon. It's been a week since nabuksan ang company namin. "Peony! Ano? Nariyan na ba si fafa Stephen?" bulong ko sa kanya. Pinalo niya ako sa braso saka bumulong, "Wala pa. Excited ka?" Inirapan ko na lang siya. Naka-set na nga ang lahat. Pati ang mini stage ay ayos na. Tinignan ko rin ang camera at naka-settle na. Kaya malaki talaga ang studio na ito kasi buong floor. Pagbukas pa lang ng elevetor, ito na agad ang bubungad sa 'yo. Pero may dalawang rooms naman dito. Ang isang room ay ang dressing room habang ang isa naman ay kung saan nakalagay ang mga damit na gagamitin ng mga models para sa shooting. May isang lamesa roon at tatlong upuan. Bumukas ang elevator at iniluwa no'n ay si Ate Myo na nakasuot ng isang floral dress na kitang-kita ang hubog ng katawan niya at naka-high heels. Ang buhok niya ay naka-half ponytail. Light make up applied on her face too. "Ate Myo!" sabay na sigaw namin ni Peony at patakbong lumapit sa kanya. Niyakap namin siya. "Hi, girls! I missed you na agad!" Natawa na rin kami sa sinabi niya. Akmang magsasalita na ako nang bumukas ulit ang elevator and this time, si Stephen na ang iniluwa no'n. "Omygee Peo..." nangigigil na bulong ko saka bahagyang kinurot sa braso si Peony. Kitang-kita ko ang pag-ngiwi niya. "Aray," bulong niya. Tinignan ko siya. "Hehe. Peace," sabi ko at tinuon muli ang atensyon kay Stephen na ngayon ay nasa harap na namin. "Hi, good afternoon. Am I late?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Ginawa kong seryoso ang mukha ko. Tinignan ko ang orasan ko. "Yes. You are three minutes late, Mr. Bible," sabi ko. "Oh. I'm sorry, then. Pinag-kaguluhan kasi ako sa first floor ng building ninyo." MYGOD! ALAM KO NA PAGKAKAGULUHAN KA KASI ANG HOT MO FAFA! But of course, I maintained my serious face. Tinaasan ko siya ng kilay saka tumikhim, "Let's start with some shoot," saka ako tumalikod. Napatingin pa ako kay Peony na naka-kunot ang noo sa akin. Nagtataka ba siya kung bakit bigla akong naging seryoso? Duh. I'm a CEO here! "We should be serious, Peo," bulong ko. Tumango-tango siya. Umupo sila ni Ate Myo sa harap ng lamesa at ako naman ay hinawakan ang camera. Sa harap ay may isang bilog na upuan at ang background ay itim. Tamang-tama lang sa suot niya na white sando and black blazer jacket. Tapos naka-black din siyang pants at sapatos. Mahilig ba siya sa black? Oh well. "So Mr. Bible, lahat ng sasabihin ni Ms. Delvalle ay susundin mo. I'm Ms. Spencer Peony Empire and this is Ms. Myo Saira Guevarra," pakilala ni Peony. "I know her. A model, right?" Tumango naman si Ate Myo sa kanya. "I'm Stephen--" Pinutol ko ang sasabihin niya, "We already know you, Mister. Can we just proceed with the shooting?" Kunwari ay iritado ang boses ko pero sa totoo lang kinakabahan na ako. KASI NAMAN E! AKO ANG KUKUHA NG MGA PICTURES! BAKA 'DI KO MAGAWA NANG AYOS KASI BAKA MATULALA KO SA KA-GWAPUHAN AT KATAWAN NIYA! "Okay, Miss?" Nakataas ang kilay ni Stephen sa akin. "Raven Alexa Delvalle. Let's start." Tumango naman siya saka siya sumupo sa upuan. I gulped. Here we go, Ven. Naka-position na ako at hawak ko na ang camera, "First shot, let me see your fierce face." Sinunod niya ang ginawa ko. Simpleng nakaupo lang siya at fierce ang kanyang mukha, kinuhanan ko siya ng picture. "Now, smirk." He did smirked and OMYGEE! Nanlalaki ang mga mata ko habang naka-silip sa camera but still, I managed to took a picture of it. Tinitigan ko pa 'yon nang mabuti. What the s**t! Ang angas! Kinuhanan ko pa siya ng iba't-ibang pose niya hanggang sa... "Tumayo ka, let me see you topless,” seryosong sabi ko. Ngumisi pa siya pero seryoso pa rin ako na nakatingin sa kanya. Narinig ko pa na napa-singhap ang ibang staff na narito ngayon at para bang pinipigilan nila ang sarili nila na tumili. Well, I feel you guys! "Alright, then." Tumayo siya at dahan-dahang tinanggal ang suot niyang t-shirt. Iniabot niya iyon sa isang babaeng staff at halos mangisay naman siya sa kilig nang mahawakan ang damit ni Stephen. Damn! How I wish I was her! Tinitigan ko ang katawan niya. s**t, the biceps of his muscles! Darn, his perfect and sexy body! Damn, his 8 packs f*****g abs! May tattoo siya sa taas ng kaniyang dibdib. SB ang nakalagay roon. What's with the SB? Is that his initials? Stephen Bible? Tumaas ang kilay ko nang makita ang V-line niya! My gosh! And I can see his upper brief! Tinignan ko ang mukha niya na ngising-ngisi sa akin. "Tumalikod ka." Tapos tumalikod din siya. Mabilis niya akong sinusunod. Sanay na akong makakita ng mga katawan ng mga lalaki pero kakaiba ang epekto ng katawan niya sa akin. Kung sabagay ay isa niya akong fan, kaya naman ganito ang epekto niya sa akin. But I have to act professional dahil trabaho ang ginagawa namin ngayon. Lalo na at ako ang magiging boss niya. Pati ang likuran niya perpekto! Aba! Perfect na sa harap kaya talagang perfect na rin ang likod niya. I can imagine na lalagyan ng oil ang katawan niya. He's so damn super hot kapag nangyari 'yon! "No need to shoot while your topless." Lumingon ako kay Ate Myo at Peony na naka-nganga. "He's in. Peony, gawin mo na ang contract for him,” utos ko. Tumango agad si Peony sa akin. Pag-lingon ko ay naka-bihis na siya at nakangiti sa akin. "You're now a model under E&D Company. Magiging partner mo sa modeling si Ms. Myo Guavarra. Is that fine with you?" tanong ko. Bahagya siyang ngumuso. Damn! He’s cute too! Shocks! Lahat na yata ng kilos niya ay kinakiligan ko. Ang lakas ng epekto niya sa akin. Mabuti at nakakaya ko pa rin na umaktong propersyunal kahit na halos maihi na ako sa kilig sa kaniya. "Sure." But still, naka-pout pa rin siya. What the heck?! Nagpap-cute ba siya sa akin?! Omg!! Pero tinalikuran ko na siya, "Ailee, get his number. Ia-update ka na lang kung anong oras ka babalik dito bukas for the contract,” sambit ko muli. "Thank you for coming here today and shoot with us, Mr. Bible." Nakipag-kamay si Peony kay Stephen. "Congrats, Mr. Bible,” sabay ngiti naman ni ate Myo at nakipag-kamay na rin. Ngumuso ako, nakakapang-selos naman. Pero syempre, mahal ko si Ate Myo kaya 'di dapat ako mag-selos. Tsaka walang kami ni Fafa Stephen! Fan niya lang ako and his boss too. "Thank you for accepting me, Ms. Delvalle,” sabi niya at nag-lahad ng kamay sa akin. Nginisian ko siya at tinanggap ko iyon saka kami nag-shakehands. "You're hot, no doubt about that. At isa kang sikat na model. It's a big opportunity for us na sa amin mo napili mag-model. We should be the one who's thankful to you, Mr. Bible,” sagot ko. "You can call me Stephen." "Call me Raven then,” sabay ngisi ko ulit. "Sure. So will go now,” paalam niya. Tumango na lang ako. Pag-alis niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtitili na ako dahil sa kilig na kanina ko pang pinipigilan. s**t! I'm crazy! I’m totally crazy over him! Ito na yata ang isa sa pinaka-masayang araw ko sa mundong ‘to. Hindi ko akalain na dadating ang araw na makakausap, mahahawakan at makikita ko nang malapitan ang katawan ni Stephen Bible. Ang isang Bible ay makakasama ko na araw-araw! As a fan girl, sobrang saya ko ngayon. Also as a CEO of this company, masaya ako na magkaroon ng isang katulad ni Stephen as our model. Siguradong mas magiging bigatin ang kumpaniya namin dahil nagsama ang dalawang sikat na models.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD