WEIRD

1700 Words
[RAVEN ALEXA’S P.O.V.] "Here's the contract, Stephen. You can read the rules and regulations there. Nakalagay na rin d’yan kung ilang taon kang magiging modelo ng E&D company." Patuloy sa pagpapaliwanag si Peony habang tinitignan naman ni Stephen ang kontrata. Kinuha niya ang ball pen at agad na pinirmahan iyon, "No need to read this contracts, Ms. Empire. Besides, ako naman ang may gusto talaga na maging modelo ninyo sa kumpanyang ito.” Nginitian niya kami nang sabihin niya ‘yon. Narito kami ngayon sa office ni Peony. Si Ate Myo ay wala rito at kaming dalawa lang ni Peony ang humarap kay Stephen ngayon para sa pagpirma ng kontrata niya. Tumango-tango naman si Peony. "Thank you, then. And oh, call me Peony na lang." Tumango naman si Stephen. God, his smile! Pero nanatili lamang na seryoso ang mukha ko. Two years ang kontrata niya sa amin at renewable rin naman ‘yon. Ibig sabihin ay dalawang taon ko siya na makakasama? Gosh! I'm excited! Pero of course, hindi ko ipapahalata na sobra-sobra ang saya ko. "Now, you are officially a model of E&D so bukas ilalabas ka na namin for presscon na rin since kaka-uwi mo lang ng Philippines at isa ka na agad na model sa bagong bukas na company,” sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tumango muli siya. "Okay. Is that all?" tanong niya. Ang mga paningin niya ay nasa akin. Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto ng office ni Peony. Pumasok mula roon sina Kuya Cyrus at Kuya Kyde. "Oh. May meeting pala sila. Sorry to interrupt,” biglang sabi ni Kuya Cy. Tumayo ako, Stephen at si Peony. "No, it's okay Kuya Cy. Tapos na rin naman kami rito,” ani Peony. Tumango si Kuya Cy at lumapit silang dalawa sa amin. "Stephen, this is Kyde Delvalle and Cyrus Empire. Kuya Cy, Kuya Kyde, this is Mr. Stephen Bible. He is our new model,” pakilala ko. Nakipag-shake hands si Kuya Cy kay Stephen pero si Kuya Kyde, tinititigan lamang si Stephen. Siniko ko siya. Seryoso siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay saka bahagyang nginunguso si Stephen. Sinesenyasan ko siya na batiin niya si Stephen! Inirapan naman niya ako. "Nice too meet you,” walang gana na sabi ni Kuya Kyde at ni hindi man lang nakipag-shake hands! Problema naman kaya nito ni Kuya? Tss. "Ba't ba kayo narito? Anong kailangan niyo?" tanong ni Peony sa kanila. "I'm here for Raven. Nasa baba na ang Cadewell band. Pumirma na sila ng kontrata kahapon at naibigay na rin ang mga schedule ng gigs nila. Ngayon, if you want to watch them ay nasa recording room sila." Namilog ang bibig ko dahil sa sinabi niya at napatalon. "Really, Kuya?! Omg! I love you!" masayang sambit ko sabay halik ko sa pisngi niya. "Cadewell band? Hini ba at kabilang doon si Saint Bible?" singit ni Peony sabay tingin kay Stephen. "Oh, yeah. My brother,” ani Stephen. "Oo baby, nasa baba sila. Panoorin mo?" tanong ni Kuya Cy kay Peony. Agad na tumango si Peony. Isa rin namang fan si Peony. “Tara! Let's watch them,” anyaya ni Peony sa amin. Tumango naman ako. "So Stephen, you want to come?" tanong ko. Tumango na lamang siya. Napatingin naman ako kay Kuya na masama na ang tingin sa akin. Tinaasan ko na lang ulit siya ng kilay at nagkibit-balikat. Ang sungit talaga nito kahit sa akin. Mukhang tinotoyo na naman siya. Nang nasa recording room na kami ay agad kong naaninag ang isang babae at tatlong lalaki na naghihintay sa mini stage. Tinitigan ko ang babae at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino siya, "O to the M to the G... Ate---" Pero bago pa ako makasigaw ay tinakpan na ni Kuya Kyde ang bibig ko. "What the heck, Kuya?!" sigaw ko nang binatawan niya ako. Napatingin silang lahat sa amin. Marahil ay nagulat dahil bigla na lang akong sumigaw. "Shut your mouth. We will talk later." Tinignan niya ako sa mga mata ko. Hindi ko man maintindihan kung bakit, pero alam ko na ayaw niyang malaman na kilala namin si Ate Ellise. Maybe he has a reason. "Hi, Cadewell!" Natutuwa na tawag niya sabay kaway ni Peony sa kanila. Ngumiti naman si Ate Ellise sa amin. Sa kanya lang ako nakatingin. Gumanda talaga siya lalo ngayon. Halos hindi ko na nga siya nakilala. "Hello, Ms. Empire,” bati ni Ate Ellise, "Hello, Ms. Delvalle." Nagulat pa ako nang tumingin siya sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid. "Call me Raven na lang,” sabi ko. "Me too. Peony na lang.” Narinig ko pang tumikhim si Kuya Kyde sa gilid ko. "Saint Bible!!!! Omggggg,” irit ko nang saka ko lang siya napagtuunan ng pansin. Tinignan niya ako gamit ang mga malalamig niyang mga mata. Ang cold talaga ng personality niya! Grabe! Pero ang gwapo niya, f**k! "Start singing. Papanoorin lang nila kayo,” utos ni Kuya Cyrus. Tumango si Ate Ellise saka nagsimulang tumugtog ang lalaking drummer at si Saint. "Sino ba ‘yung drummer, Kuya?" bulong ko pero 'di niya ako pinansin kaya si Kuya Cyrus na lang ang tinanong ko. "He is Pierre Pedraja, and the lead guitarist is Preston Oandasan." Tumango ako sa sagot niya. Biglang pumasok sa recording room si Aster na nanlaki agad ang mata dahil sa nakita. "Don’t know what to do baby I’m so lost in you baby I need you right next to me yeah Don’t know what to do baby Cause I’m not over you What do I do baby You’re still the one~” "Kyaaaahhhh!!! Saint Bible?!! OMG!" Nag-hysterical na siya nang makita si Saint. Lumapit siya sa akin at niyugyog ako. "Tell me that I'm not dreaming right now!" sigaw niya. Natawa ako at binatukan siya. “Of course, you're not!" sigaw ko pabalik. Cheer siya ng cheer hanggang sa matapos kumanta si Ate Ellise. Ang ganda ng boses niya! With feelings! Pumalakpak kaming tatlo nina Peony at Aster. Napalingon naman si Aster sa likod ko at nanlaki na naman ang mga mata niya tapos sinampal niya pa ang mukha niya. Tinignan ko ang likod ko at naroon si Stephen na nakatingin na naman sa akin. "Ahhhh!!!! s**t! Stephen Bible! Omg! Nagkalat na pala rito ang mga Bible!!!" sigaw na naman ni Aster. Nakita ko naman na naiirita na si Kuya Kyde dahil ang ingay ni Aster. Nakita ko naman na lumapit si Saint kay Stephen. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Saint sa kaniyang kapatid. Ang cold niya! "I'm a model here. I didn't know na nag-audition ang banda mo rito?" Nakataas ang kilay na tanong ni Stephen. Woah, bakit ganoon ang sagutan nila? "I didn't know that you're a model here too." Tapos ay tinalikuran na niya ang Kuya niya pero hinarangan siya ni Aster. Ibig sabihin ay hindi nila alam ang mga pinagga-gawa ng isa't-isa? Sa pagkaka-alam ko, magkakasama sila ng kanilang kapatid sa napaka-laking mansyon nila rito sa Pilipinas. "Oops. Wait lang, pwede pa-picture sa inyong dalawa?" ani Aster. ‘Di ko na siya pinansin pa at tinignan na si Peony na nakikipag-kamayan kina Ate Ellise, Pierre, at Preston. Lumapit din ako sa kanila. "Hello! Fan niyo na ako simula ngayon,” ngiting-ngiti na sabi ko sa kanila. "Wow. We're so glad to know that, Ms. Raven." Naka-ngiti na sabi ni Pierre. "Raven na lang itawag niyo sa akin. Hindi niyo naman ako amo. Can we be friends?" natatawang tanong ko sa kanila. Para na naman akong bata kung umasta. Kung sabagay ay hindi ko rin naman gusto na maging harsh na amo sa mga empleyado ko. Gusto ko ay chill lang. "Sure Raven, I'm Preston." Nag-shake hands kami ganun na din kay Pierre. Omg! Friends ko na sila! Nakakatuwa naman. Napatingin naman ako kay Ate Ellise. "Hello po, Ate Ellise! Familiar ka sa akin. Nagkita na tayo dati ‘di ba?" kunwaring tanong ko. "Huh? Hindi pa, Raven. Ngayon nga lang tayo nagkita, e. Hello nga pala." Tapos ay nakipag-shake hands din siya sa akin. Kahit na nagtataka ay naka-ngiti kong inabot ang kamay ko sa kanya. Hindi ba niya ako natatandaan? "Ah! Sige ha? May gagawin din akong trabaho, e. Ingat kayo,” paalam ko sabay kaway ko sa kanila. Pagtalikod ko ay saka ko lang naisip na... bakit gano’n? Imposibleng makalimutan niya ako dahil bata pa lang kami ay mag-kaibigan na kami. Mag-kasing age nga lang kami, e. Naging kaklase ko rin siya dati. Weird. Si Kuya Kyde ay nahuli kong nakatitig kay Ate Ellise. Isa rin 'to si Kuya Kyde, e! Ang weird din. Ba't ayaw niya ipaalam na kilala namin si Ate Ellise at matagal na? Anong meron dito kay Kuya? E noong bata nga kami ay kalaro namin si Ate Ellise. I really need an explanation right now. Napatingin naman ako ngayon kay Stephen na nakangiti sa akin. Isa din 'to, e! Weird din! Kanina ko pa nahuhuling nakatingin at nakangiti sa akin. Happiness ba niya ako or what? Tapos 'yung puso ko naman ay sobrang tuwang-tuwa! Kumakalabog ng husto! What the f**k is wrong with me? Fan girl lang ako pero ganito kumalabog ang puso ko! Weird din ha! Iba talaga kapag unang beses ko nakita ang ilang taon ko nang mga iniidolo. Kung sabagay ay masasanay din naman ako sa mga presensya nila kapag nagtagal na. Hindi lang isang Bible ang makikita ko nang madalas. Pati na rin pala ang isang Bible na kasali sa Cadewell band. Kung pwede lang na lahat sila ay magtrabaho rito sa kumpanya ko ay maaaring mangyari sana. Kaso iba-iba rin naman ng careers ang gusto ng kanilang mga kapatid. Maswerte nang may dalawang sikat na Bible kaming kasama rito sa kumpanya namin. Doon pa lang ay masaya na rin ako. Lalo na at mga iniidolo rin namin sila nina Aster at Peony. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang akong naging fan girl ng mga Bible na ‘yon. Mukha rin naman silang mabubuting tao para sa akin. Sana ay isa sila sa magiging dahilan ng pagiging successful ng business namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD