SHUNREI

1400 Words
[SPENCER PEONY'S P.O.V.] "Bro? Are you busy?" tanong ko kay Kuya Cyrus nang pumasok ako sa kwarto niya. Umiling naman siya agad at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Nakadapa siya sa kama niya at nakatapat sa kanya ang laptop niya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya saka tinignan ang laptop. f*******: pala ang inaatupag niya ngayon. Akala ko naman ay may ginagawa siyang trabaho. "Remember this, Baby Peo. Kapag nasa bahay tayo ay hindi ako busy. Lalo na kung para sa ‘yo,” sambit niya. Tapos ay niyakap niya ako. Pareho na kami ngayong nakadapa sa kama niya. "May ka-chat ka?" tanong ko sabay scroll ng mga chats niya. Puro babae ang nagcha-chat kay kuy. Private naman na ang f*******: account niya. Pero 'yung ibang babae kasi na nagcha-chat sa kaniya ay hindi ko kilala. "Mga chix lang 'yan, baby.Gwapo kasi ng bro mo, e,” natatawang biro niya. Natawa na lang din ako. Habulin talaga siya ng mga babae. Wala e, Empire 'yan. "By the way bro, masasamahan mo ba ako bukas? Pupunta kasi ako sa university nina Kaizer,” tanong ko. Kumunot ang noo niya sa tanong ko. “Bakit?" "Well, I kinda miss him. Bibisitahin ko lang naman siya,” sabi ko. Sumeryoso ang mukha niya at umupo ng maayos. Gano'n din ang ginawa ko. Hinarap ko si Kuya. "Didn't I tell you to stop loving Brix?" ngumuso ako dahil sa tanong niya, "Kuya... malay mo naman may pag-asa ako sa kanya, hindi ba?” "Heck, Spencer! Ilang taon ka na bang in love sa gago na 'yon? Since you were kids, right?" Shit. Kapag galit na si Kuya tinatawag na niya ako sa first name ko. Ginalit ko na naman siya. Hindi ko naman kasi alam kung paano ko matitigilan ang nararamdaman ko para kay Brix Kaizer. "Pero Kuya, he's sweet naman sometimes. Nagbibigay siya ng motibo--" "Sweet siya sa lahat ng mga babaeng kaibigan niya! Sweet siya kay Aster, Raven, o kahit kay ate Myo!" Napayuko ako sa sinabi niya, "Baby, I just want you to be happy. Lagi ka na lang nalulungkot kapag nire-reject ka niya once na umaamin ka about your feelings,” dagdag pa niya. Bumuntong-hininga ako. Yeah, I know. Tama naman si Kuya at may punto siya. ‘Yon nga ang ginagawa sa akin ni Kaizer sa tuwing umaamin ako. Ilang beses na akong umamin sa kaniya pero reject lang ang natatanggap ko. Tumayo ako mula sa kama niya. "Pupuntahan ko siya bukas. Goodnight,” paalam ko at agad na akong lumabas ng kwarto niya. *** Nandito ako ngayon sa court ng university nina Kaizer. 'Yon kasi ang tawag ko sa kanya kaysa sa Brix. Kakatapos lang ng pratice game nila ng basketball. Varsity siya rito sa university nila at college na siya. Naaninag ko si Kaizer na nakikipag-apir sa mga tropa niya. Naroon din si Jazzer. Napadako ang tingin ni Jazzer sa gawi ko kaya nakita niya ako. "Peony!" sigaw niya saka kumaway sa akin. Tumakbo siya palapit at niyakap ako. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya nang makita niya ako. "Hi, Jazzer!" bati ko. Hinalikan ko siya sa pisngi. “Bakit ka napadpad dito ngayon?" tanong niya. Ngumiti naman ako, “Na-miss ko kasi kayo, e,” sagot ko. Tumango siya at hinila na ako palapit kina Kaizer. "Uy, p’re! Girlfriend mo?" tanong ng isang ka-tropa nila sa team. "Ayos, a! Ang ganda!" "Nice one, Jazzer! Wuhooo!" Patuloy kaming inaasar ng mga kasamahan nila kaya naman ay natatawa ako sa mga reaksyon nila. Mukha ba kaming magkasintahan ni Jazzer? "Huh? Hindi. Hindi. Hindi niya ako girlfriend,” sambit ko. Todo deny ako kasi nakatingin na sa amin si Kaizer. Natawa naman si Jazzer, "Hindi ko siya girlfriend. Kababata namin ni Brix,” pakilala niya sa akin. Napatingin naman ako kay Kaizer na umiinom na ngayon ng tubig. Halatang pagod na. Nilapitan ko siya. "Hi, Kaizer!" bati ko. Ngumiti siya sa akin. "Hello, Ate Peo. Ginagawa mo rito?" tanong niya. Ngumuso ako. Tss. Ate Peo pa rin ang tawag niya sa akin. Three years lang naman ang tanda ko sa kanya. Bakit naman si Jazzer, 'di ako tinatawag na 'Ate'? Kung sino pa ang lalaki na gusto ko ay tinuturing ako bilang nakatatandang kapatid. "Ah! Na-miss ko kasi kayo kaya dumalaw lang ako,” dahilan ko sabay ngiti sa kanya. Tumango naman siya. Simula noong umamin ako sa kanya at ni-reject niya ako ay hindi ko na siya nahahalikan sa cheeks. Awkward na kasi. Hindi katulad noon na wala lang namang malisya ‘yon sa aming lahat. Lalo na at magkababata kami. "Gano'n ba." "Ah Kai, gusto mong kumain tayo sa labas ng school niyo?" yaya ko. Medyo kinakabahan ako dahil baka tanggihan na naman niya ang alok ko. Bumagsak ang mga balikat ko nang umiling siya, "May next class ako, e. Sige Ate Peo, una na ako,” paalam niya saka mabilis na umalis. Nakatunganga lang ako roon at kung hindi pa ako tatapikin ni Jazzer ay 'di ako mababalik sa reyalidad. "Peony, ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Hinawakan pa niya ang mukha ko at inilapit sa mukha niya. Iniwas ko ang mukha ko at tinanggal ang kamay niya. "Ayos lang ako. Tinanggihan niya lang naman ako,” sagot ko sabay kibit-balikat. Bakit kailangan pa niyang mag-sinungaling sa akin na may klase pa siya? Pwede naman niyang sabihin na ayaw niyang kumain kaming dalawa sa labas e. 'Di na dapat niya dinahilan sa akin na may next class pa siya kaya hindi siya makakasama.. Saulo ko kaya ang schedule niya. At vacant time niya na ngayon. "Ah." Napatingin ako kay Jazzer. Biglang nag-iba ang mood niya. Problema nito? Anyway... "Alis na ako Jazzer. May gagawin pa ako sa company, e. Ingat ka,” paalam ko tapos ay tinalikuran ko na siya. Naglakad ako palabas ng court nila. Nang nasa parking lot na ako ay may naka-bunggo ako. Masyado yata akong pre-occupied kaya 'di ko na nailagan ang nakabangga ko. Hindi ko rin siya napansin agad. Tinignan ko ang lalaki. Nakasuot siya ng jersery. Mukha siyang naglalaro ng soccer. Tinignan ko ang mukha niya at pamilyar siya sa akin. Saan ko nga ba nakita ang lalaking 'to? Bigla siyang ngumisi. "Care to say sorry, Miss? Nadumihan mo lang naman ang mamahaling sapatos ko,” aniya habang nakangisi. Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ang rubber shoes niya na puti at may kaunting dumi nga. Ang arogante naman ng lalaki na ‘to. Magso-sorry naman sana ako sa kaniya pero naangasan ako sa pananalita niya. "But I don't care, Mister,” mataray na sabi ko sabay ngisi din. Huh. Empire yata ang kinakausap mo. Umiling siya pero nakangisi pa rin, "As expected to an Empire." Nagulat ako nang sabihin niya iyon. Pero 'di ko pinahalata. Paano niya ako nakilala? Sikat ba ako? "Oh. You know me." Tumango-tango pa ako. “E, ako? ‘Di mo ba ako kilala?" tanong niya. Tumalikod siya at nakita ko sa suot niyang jersery ang ‘Bible’ na nakalagay. "Oh. A Bible. You're Shunrei Bible if I'm not mistaken?" Humarap na ulit siya sa akin. Gusto kong umirit dahil first time kong makita sa personal ang isa pang Bible na 'to! OMG! I'm a big fan of Bible bros! Saka ko lang din siya namukhaan matapos ko siyang tarayan. Pero kahit na fan niya ako, hindi ko dapat ipahiya ang sarili ko sa harap niya. "Oh? Stalker?" "Ang mga kapatid mo ay nagtatrabaho na sa kumpanya namin. Stephen and Saint?" Nagulat pa siya sa sinabi ko, "Really? I didn't know 'bout that,” aniya. So tama nga ang hinala ko na wala silang pakelaman sa isa't-isa? I shrugged. "Whatever." Tapos ay nilagpasan ko na siya. Pinatunog ko ang kotse ko at binuksan na ang pintuan sa driver's seat. "Miss Spencer! You're beautiful!" sigaw pa ni Shunrei saka ngiting-ngiti sa akin. Hindi ko na siya pinansin at agad na akong pumasok sa kotse ko. Tinted naman ito kaya 'di niya makikita na nakatitig ako sa kanya ngayon habang paalis na siya. What the heck? Did he just called me Spencer?! Paano niya nalaman ang first name ko, e hindi ko naman nilalantad 'yon in public? Ganoon ba talaga kami kasikat ngayon sa business industry kaya pati ang first name ko ay nalaman niya? Kakaiba siya sa dalawang mga kapatid niya. He’s more active than them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD