[KYDE FRANCIS' P.O.V.] Nalaman ko na umalis pala ng mansiyon kahapon si Raven. Maybe she got bored and shopped. Hindi rin naman pwede na ipahinga niya ang sarili niya rito sa buong araw. or maybe nag-relax siya sa isang mall or spa. Gano'n naman iyon palagi. Narito ako ngayon sa office kok. May interview ang Cadewell band mamaya para mas makilala sila at mas sumikat. After ng debut concert nila ay marami ng mga media ang gustong mag-interview sa kanila, so they're busy and so as me and Cyrus. Punong-puno ang schedule ng Cadewell band sa araw-araw. Halos wala silang pahinga sa week na ito. Someone knocked on the door. "Come in," utos ko. Hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang taong dahan-dahang pumasok sa opisina ko. Nakatuon lang ang pansin ko sa mga papeles na nasa lamesa ko at kasa

