Chapter1
May dalawang taong naliligaw sakay sa kotse, naka ilang ulit na silang ng palibot -libot sa lugar na yun.
Hanggang naubusan na ng Gasolina at wala silang nagawa kundi lumabas ng kotse at tumingin sa paligid napa ka dilim ng lugar na yun.
"Saan na tayo ngayon?" Tanong ng babae sa kanya nobyo.
Habang pa kamot- kamot sa ulo ang lalaki at tumingin sa paligid. Napakasukal ng lugar at walang mga bahay na makikita sa paligid o sasakyan na pwedeng mahingan ng tulong.
Maya-maya ay may na aninag silang ilaw sa malayo at tinignan kung ano yun.
Ng lakad - lakad sila na may hawak na cellphone at iyun ang kanilang ilaw sa paglalakad patungo sa kung saan galing ang ilaw.
Malayo- layo narin ang kanilang nilakad at narating ang Isang bahay na Malaki.
Natuwa sila dahil may mahingan silang tulong.
Nasa labas sila ng gate ng tangkain buksan ng lalaki ang gate ng bahay at nabuksan nga dahil Hindi naman ito naka Lock kaya nakapasok sila patungo sa pinto ng bahay.
Nasa pinto na sila ng muntik ng katukin ng lalaki ang pinto at bigling bumukas ito.
Kaya silang dalawa ay nagkatinginan at pumasok sa bahay.
Ng pumasok na sila ay wala silang nakitang tao na bumukas sa kanila kaya aalis na sana sila dahil nakakaramdam na silang takot pero huli na ang lahat ng may nakitang may tao na nakatingin sa kanila.
Kaya ng salita ang babae na.
"Magandang Gabi po sa inyo, sorry po kung nangahas kaming pumasok sa inyong bahay!" Sabi ng babae.
Hindi nagsalita ang matandang babae kundi ito ay bumaba sa hagdang at lumapit sa kanila.
Hindi makatingin ang dalawang magkasingtahan sa matanda habang ito'y lumalapit sa kanilang dalawa.
Habang ito'y ay lumapit sa babae at tinitigan at ngumiti ang matanda at nagsalita.
"Bukas na kayo uuwi dito muna kayo magpagabi. Baka nagugutom kayo may pagkain ako na pwedeng ko ihanda sa inyo?" Tanong ng matanda sa kanila.
Kaya tumango na lang ang dalawa sa matanda.
Pumasok sila sa kanyang kusina nakakasuka ang amoy ng sila ay papunta pa lamang.
Kaya mas lalung naging mahigpit ang kanilang mga kamay habang magkahawak ng dumating sila sa lamesa.
Nakita nila na maraming mga pagkain ang nakahain kaya mas lalu silang natakot at nagbulungan na aalis sila.
Naunang umupo ang matanda at inilahad nya ang kanyang kamay para kumain na ang dalawa.
At nang sila ay hindi umupo at nagsalita ang lalaki na kailangang na nilang umalis.
Kaya mas lalung ngumiti ang matanda hindi lang ngiti kundi nakakatakot na ngiti ang kanilang nakita sa mukha ng matanda.
Kaya sila ay tumakbo sa pinto at hindi na nila ito mabuksan pa. At nang sila ay humarap nakita nilang dalawang tao na Ang lumalapit sa kanila.
At may hawak ng malaking kahoy at ang isa ay malaking kutsilyo.
Kaya sila ay nagsigawan sa takot..
Sa susunod.....