Pinanood ni Maya na maglakad ang pawisan at putikang si Hunter papalapit sa kanya. Umpisa na kasi ng shooting ng bago nitong action teleserye kung saan gaganap ito bilang isang abogado na ipaghihiganti ang pagkamatay ng asawa at anak nito. Bahagya siyang napangiti habang pinapanood nito na makipagtawanan sa stunt man nito. Halatang mahal na mahal nito ang trabaho nito kahit sa unang tingin pa lang. "Hunter's really a dedicated actor, don't you think?" komento ni Alexander na nakaupo sa may tabi niya. Dumaan ito sa set dahil may kailangan daw itong sabihin sa direktor at hinihintay lang nito na matapos ang shooting. Siya naman e sumama na dahil kailangan ni Hunter ng maga-assist dito at para na rin sa publicity. Isa pa, si Hunter na rin ang nagpumilit na sumama siya dahil gusto raw nito na

