Napatikhim si Maya nang makita ang pigura ni Hunter na papasok ng condo. Sabi kasi nito ay magpupunta ito sa gym noong umagang iyon ngunit hindi niya naman inasahan na maaga ang balik nito. Hindi pa tuloy siya tapos na maglinis at mas lalong hindi pa siya tapos na magluto ng agahan. Nilapitan siya nito habang nagpupunas siya ng ibabaw ng cabinet. Narinig niya pa ang mahinang pagtawa nito bago siya hinawakan sa magkabilang-balikat na dahilan ng kanyang pagkapitlag. "Ano ba 'yan, Maya. Tagal na nating magkasama, ngayon ka pa nagugulat sa 'kin? At saka, bakit ka pa naglilinis, e malinis naman na rito sa condo?" "Ha?" nauutal na sagot niya. Parang tinatambol ang dibdib niya! At napakalapit ni Hunter... "Ha? Hakdog." Mahina itong tumawa nang irapan niya ito. "'Ka 'ko, 'di mo na kailangan ma

