"Oh, nakatulala ka na naman kay Maya." Napapitlag si Hunter nang marinig ang tinig ni Bonnie na mula sa likuran niya. Dumaan kasi ito sa condo niya para sana may sabihin ngunit heto at nahuli pa siya nitong titig na titig kay Maya na kasalukuyang nagluluto ng kanilang tanghalian. "Bakit, masama ba tumitig, ha?" Mahinang natawa si Bonnie. "Hindi naman. Pero kasi kapag ikaw, iba, e." "Gago." Lalong lumakas ang tawa ng kanyang kaibigan. "Guilty alert." Napabuntong-hininga na lamang siya. "Naninibago lang ako." "Saan, sa setup niyo?" "No." Sinulyapan niya ito bago pinasadahan ng hagod ang kanyang batok. "Tungkol sa nararamdaman ko." Tumaas ang kilay ni Bonnie. Lumapit. Tila naiintriga. "Bakit naman?" "It's just... dahil sa kanya, masyado akong nagiging seloso. Possessive ba. You know

