XVI

2030 Words

Parang tutang maamo si Maya habang inilalapag ang mug ng kape sa harap ni Hunter. Hindi niya naman inakala na magagalit ito kagabi. Pagod siya at wala sa hulog kaya naman naasar siya kaagad noong pinapagalitan siya nito. Treinta anyos na siya at hindi niya na kailangan pa na pagalitan o kung ano pa man. Pero kung tutuusin, may punto naman si Hunter. Hindi niya masyadong kilala si Alexander at heto at tiwalang-tiwala siya kaagad sa lalaki. “Uy, Hunter...” Walang imik ang lalaki nang kunin nito ang mug ng kape. Patuloy pa rin itong nagbabasa ng mga posts sa internet. Tila walang balak na lingunin siya o kausapin man lang. “Hunter...” “Ano? May kailangan ka?” walang kaemo-emosyon na tanong nito. Mahina niyang hinila ang manggas ng suot nitong tee shirt. “Sorry...” Hindi ito umiimik.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD