XV

2170 Words

Halos isang linggo na silang hindi nagpapansinan ni Maya. Kausapin man siya nito, puro tungkol lang sa trabaho nito. Wala nang iba. At hindi mapigilan ni Hunter na ma-frustrate. Sino ba naman kasing hindi? Unang beses iyon na may babaeng hindi pumansin sa kanya. Unang beses din iyon na hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya pagdating sa babae. Alam niyang naiinis si Maya sa pagiging pakielamero niya pagdating sa love life nito. Hindi niya kasi mapigilan. Hindi rin siya makampante pagdating kay Alexander. Alam niya naman na mabait ang lalaki at sigurado siya na hindi nito lolokohin si Maya pero hindi niya mapigilan na kabahan. Siguro ay dahil na rin ayaw niyang masaktan si Maya. At ayaw niya itong makita na may kasamang iba. “Oo nga pala, ngayon ‘yong date namin ni Alexander,” m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD