Pupungas-pungas pa si Maya nang magising kinabukasan. Ambigat ng pakiramdam niya pati na rin ang ulo niya. Hindi niya maintindihan kung bakit niya naisipang inumin nang sunod-sunod ang beer kagabi. Ang tanging natatandaan niya lang ay naiinis siya kay Hunter dahil sa pang-aasar nito kay Alexander. Isa pa, tila ginagawa nitong biro ang sakit na natamo niya noong mga panahon na gustong-gusto niya pa ito. She grunted when she stood up. Halos kulang na lang ay tumimbuwang siya at mawalan ng balanse. Paano ba naman, umiikot pa rin ang paningin niya. Tsaka niya lang napansin ang kuwarto na kinaroroonan. Nasa condo na siya ni Hunter. Siya ba nag-uwi sa’kin? Alas onse na ng umaga. Kaagad na nag-ayos si Maya at lumabas ng silid. Baka gising na si Hunter at nagugutom na. Nasa may hagdan pa lang si

