XIII

2005 Words

“Oh, bakit nasa bar na naman tayo? Ano, magsusunog ka na naman ng atay, Hunter Claridad?” sermon sa kanya ni Maya habang nagpapahatak ito papasok ng isang bar. Gusto kasi ni Hunter na makapag-unwind noong gabing iyon at isinama niya si Maya dahil alam niya na stressed din ito sa mga nangyayari sa kanilang dalawa nitong mga nakaraang araw. Pihadong mas maiis-stress ito kapag nag-umpisa na ang shooting niya ng bago niyang telenovela sa susunod na linggo. “Ito naman, kahit kailan, napaka-manang,” buska niya rito. “Pero kapag si Alexander ang mag-aaya, sasama naman.” “Bakit, selos ka?” Pagak siyang tumawa. “Ha! Ako, nagseselos? Sino naman may sabing nagseselos ako? At saka, bakit naman ako magseselos do’n, e mas guwapo ako ro’n?” Inirapan siya nito. “Para ka talagang adobe. Adobe sa kapal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD