IX

2191 Words

“Unang-una sa lahat, pumayag lang ako kasi kailangan ko ng pera,” panimula ni Maya habang nakahalukipkip at kaharap si Hunter na prenteng nakaupo sa couch nito. “Hindi ako pumayag kasi may feelings pa ako sa’yo at mas lalong hindi ako pumayag para ma-feel kung paano na maging girlfriend mo.” Tumawa ito. “Maryosep, napaka-defensive mo, Maria Soraya.” Inirapan niya ito. “Syempre, baka kasi isipin mo gusto pa kita.” Hindi ito umimik at ngumisi lang. Kanina nang malaman nito na pumapayag na siya na magpanggap na girlfriend nito ay kaagad itong nagpadala ng pera kay Lita sa Baguio para sa gamot ng kanyang ama at ibang gastusin. Pagkatapos ay pinabalik siya nito sa condo nito at walang inaksayang oras. Kaya naman heto sila ngayon at pinag-uusapan ang mga ‘rules’ ng kasunduan nila. Bagaman nai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD