Nilampasan lamang ni Maya ang kababatang nakatayo sa may gilid ng kitchen counter ng condo nito. She has officially quitted her job as Hunter’s personal assistant. Maski si Bonnie ay hindi tumutol sa gusto niya dahil halata na medyo nainis din ito sa balak ng aktor. “Maya...” Napahinto siya sa paglalakad at sandaling nilingon ang lalaki. “Alis na ‘ko.” “Hey, I’m... I’m sorry. I didn’t mean it to be like that, Maya... Hindi mo naman kailangan na mag-quit as my personal assistant. I know this job is very important to you right at this moment and--” “Pupunta naman ako sa Canada in three months. I can manage.” He sighed and rubbed his neck. Ngunit kahit na ano pang klase ng desperasyon ang ipakita nito sa kanya ay wala na iyong epekto. Masyado na siyang nade-drain ng muling pagkikita ni

