"Hunter Claridad! Ano na naman ba 'yang ginagawa mo?" inis na tanong ng dalagitang Maya kay Hunter na abala sa pagbubungkal ng lupa sa ilalim ng bintana niya. "Kapag nakita ka ni Papa, lagot ka na naman!" Hindi siya nito pinapansin. Sa pagkainis ay binaba niya ito ngunit kaagad na nalaglag ang panga ni Maya nang makita kung ano ang itinatanim nito sa ilalim ng kanyang bintana. Sunflower iyon na bahagya nang may tubo at may bulaklak na. Siguro ay nabili nito iyon sa palengke o hindi naman kaya e sa mga nag-ga-garden sa kanila. Alam ng lalaki kung gaano siya mahilig sa sunflower dahil madalas niya rin iyong balik-balikan sa palengke sa tuwing nagagawi sila roon. Nilingon siya nito nang sumalampak siya sa tabi nito. Ngumiti ang binatilyo at mahinang tumawa. "Ang ganda nito, Maya, 'no?" T

