"Maya, gising na... Nandito na tayo." Napabalikwas ng bangon si Maya dahil sa mahinang pagtapik ni Hunter sa kanyang pisngi. Pupungas-pungas pa siya nang tumingin siya sa labas ng bintana. Nasa may tapat na sila ng maliit burol kung saan sa tuktok niyon ay ang maliit na compound kung saan sila sabay na lumaki ni Hunter. Nasa labas na si Ernest at nag-uunat-unat habang si Hunter naman ay nasa tabi niya ay inaayos ang suot nitong damit. Umaga na noon at sa tantiya niya ay natulog siya buong biyahe dahil na rin siguro sa pagod. Isa pa, komportable kasi siya sa kandungan ni Hunter. Dali-dali siyang bumaba at patakbong inakyat ang burol. Sumunod naman kaagad si Hunter sa kanya, habang si Ernest ay naiwan sa kanilang van. Nakapagtataka na hindi man lang siya sinalubong nina Chona at Lita ganoo

