"O, bakit parehong antahimik niyo?" puna ni Ernest nang makasakay sa van. Walang umimik sa pagitan nilang dalawa ni Hunter. Maliban sa tango at "oo" o "hindi", wala nang iba pang namutawi sa kanilang bibig noong umagang iyon. Kunsabagay, ayaw niya rin namang ungkatin kung anong nangyari kagabi. Sapat naman na siguro na nagkamali na naman silang dalawa at— Biglang nag-ring ang kanyang smartphone. Mabilis niyang napindot ang answer button nang makita na si Alexander iyon at dinala sa kanyang tainga. Kapuna-puna ang pagpisik ng katabi niya at mahinang pagmumura. Hindi niya ito pinansin at kinausap ang nasa kabilang linya. "Xander! I'm sorry..." panimula niya. "Nakuha mo ba 'yong text ko?" Tumawa ito."Yeah, don't worry about it, Maya. Pauwi ka na ba?" "Oo. Gusto mo ba na magkita tayo?" "S

