Napalingon si Hunter nang biglang maupo si Maya sa tabi niya. May hawak itong baso at painom-inom, tahimik na pinagmamasdan ang mga kaibigan nilang nagkukulitan sa mga pulutan at nagkakantiyawan. "Hey..." Nilingon siya nito. Pagkatapos ay ngumiti. "Hey..." Mahina siyang tumawa. "Miss me already?" Umirap si Maya at nagpatuloy sa pag-inom. Hindi umiimik. Hinayaan na lang muna ito ni Hunter. Hindi niya rin naman kasi alam kung anong sasabihin niya. Isa pa, mukhang wala ito sa mood na makipag-usap. Mayamaya ay natanaw niya ang Papa ni Maya na kinakawayan siya. Nasa may veranda ito ng tahanan ng mga Ortiz at nanonood lamang sa mga nagkakasiyahan. Nagpaalam siya kay Maya at pinuntahan ang matanda, habang ito naman ay nakihalubilo na kina Lita. "Mr. Ortiz," bati niya rito bago naupo sa tabi

