"Psst, Miss, puwede bang manligaw?" Napalingon si Maya sa mala-pader na katawan ni Hunter na tumatabing sa papalubog na sinag ng araw. Tahimik lang siyang nakaupo sa may maliit na veranda ng kanilang bahay. Nasa loob ang kaniyang ama at nagpapahinga habang sina Chona at Lita naman ay nagsiuwi muna sandali. May hawak pang sunflower ang loko sa kabilang kamay na dagli nitong iniabot sa kanya. Kinuha niya naman ito at inamoy sandali bago ngumiti. "Sira, maupo ka na nga rito. Parang eng-eng 'to." Tatawa-tawang naupo ito sa tabi niya at nag-inat. "Takte, napagod ako sa biyahe. Tapos ilang beses pa kitang hinabol, para kang kabayo sa bilis ng takbo mo." "Action star ka pa naman, ta's mabilis kang mapagod?" buska niya rito. Mahina itong tumawa. "Gusto mong subukan? Malakas yata 'to." Kinur

