Maingat at tahimik na isinara ni Maya ang pinto ng condo ni Hunter. Bitbit niya ang ilan sa mga gamit niya at mga importanteng dokumento. Nakatulog na ang lalaki sa may gilid ng kanyang silid, siguro ay sa paghihintay na lumabas siya para makapag-usap sila. Ngunit para kay Maya, ayaw niya nang pakinggan ang kung ano mang sasabihin nito. Ayaw na niyang lokohin pa ang sarili niya at mas lalong ayaw na niyang umasa sa wala. Klaro naman na ginagawa lamang ni Hunter ang lahat ng iyon para sa career nito sa pag-arte. Walang labis, walang kulang. Walang ibang dahilan. Wala siyang ibang alam na pupuntahan kung hindi si Bonnie. Ayaw niya namang umuwi ng Baguio na may pasa at sugat sa katawan dahil paniguradong mag-aalala ang kanyang Papa sa kanya. Magpapalipas muna siguro siya ng ilang araw sa ba

