“Anong problema, Hunter?” Napalingon si Hunter kay Maya, na apat na buwan nang buntis. Pinagpahinga niya ito muna sa kanilang tahanan dahil alam niya na ma-i-is-stress lang ito sa trabaho kung isasama niya pa ito. Siya naman ay abala sa pagtawag sa kanyang kaibigan na si Aiden, na hindi naman sumasagot. “Ah, tinatawagan ko lang si Aiden. Hindi kasi sumasagot, may papatingnan sana ako.” Napapalatak si Maya at masuyong niyakap ang asawa. “Naku, bukas mo na lang tawagan… Samahan mo muna ako sa kuwarto.” Mahina siyang natawa. “Natatakot ka matulog mag-isa, ‘no?” Ngumuso ito. Pero mayamaya ay nahihiyang tumango ang kanyang asawa. “E kasi naman, Hunter… ngayon ka na nga lang nakauwi nang maaga, may iba ka pang inaasikaso,” maktol nito. Bahagyang napangiti ang aktor at hinaplos ang buhok ni
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


