EPILOGUE

1001 Words

“Hay, sa wakas, nakauwi na rin,” bulalas ni Hunter bago niya maingat na inihiga ang buhat-buhat niyang si Maya sa ibabaw ng kanilang kama. Napabungisngis pa ito nang hagkan niya ito sa may punong-tainga bago maingat na inalis ang maliit na korona at ang traje de bodang nakasuksok sa buhok nito. Inihagis niya iyon sa lapag bago hinubad ang kanyang puting coat. Kaagad niya itong kinubabawan at pinaliguan ng halik sa leeg at may tainga. Bahagya siya nitong itinulak ngunit mas lalo niya lang itong kiniliti dahilan para lumakas ang tawa nito. “Teka, Hunter, nakikiliti ako!” reklamo nito sa pagitan ng mga pagtawa. Mahina nitong tinampal ang kanyang kamay bago hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Pinakatitigan talaga siya ni Maya at bahagyang pinanggigilan. “Bakit ba hindi ka mapakali?” N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD