Unang araw ng pasok nila sa trabaho.
Nagising si Tommy at humarap sa bintana
“ good morning world “
excited siya kaya naligo agad ito.
At habang naliligo si Tommy ay nasigins naman si Jarren
Umupo muna siya malapit sa may bintana, iniisip niya si Anna at habang inaantay niya ang pinsan niya matapos maligo, nagsindi muna ito ng sigarilyo.
Hindi niya namalayan na tapos na pala maligo si Tommy.
“ insan, ang aga mo naman nagda-day dream kay Anna ah? “
“ naiisip ko lang siya Tommy, magkikita na naman kami sa office. Gusto ko na siya ligawan baka nga siya ang babae para sa akin “
“ good, sige. Mamaya magpaparinig na tayo “
“ sige insan, tulungan mo ako ha? “
“ sige, ako bahala. Sa ngayon maligo ka na at baka malate pa tayo “
Tumayo at pumunta na si Jarren sa c.r para maligo.
Nagbihis na agad si Tommy at bumaba na din para kumain ng almusal.
“ anak, nasaan na pinsan mo? “ tanong ng nanay niya
“ naliligo pa po si Jarren “
“ sige na Tommy, mauna ka na kumain “ sabi ng nanay ni Jarren
“ opo, tita “
Bumaba na din ang tatay at tito ni Tommy.
“ iho si Jarren? “
“ tito nag aayos pa po, baka maya maya pababa na din siya “
“ sumabay na kayo sa amin ng tatay mo para makatipid kayo tutal on the way naman yung opisina ninyo “
“ sige po tito “
Mga ilang minuto pa ay bumaba na si Jarren. Amoy na amoy ang pabango niya na halatang nagpapa gwapo.
“ anak, grabe naman ang bango mo. Kahit sinong babae mapapatingin sa amoy mo “ sabi ng tatay niya
“ daddy naman, unang pasok namin ito. Dapat presentable naman kami “
Ngumiti lang si Tommy sa sagot ni Jarren.
“ kumain ka na, at baka malate kayo sa unang pasok ninyo “
Nagmadali si Jarren sa pagkain para makaalis na agad sila. Yung nanay naman ni Tommy nag ayos ng baon nila.
“ dalhin nyo ito pra makatipid kayo “
“ sige po ma “ sagot ni Tommy
Inabutan naman si Jarren ng pera ng tatay niya pandagdag sa allowance nila.
“ anak, hati kayo ng pinsan mo dyan ha? “ sabi ng tatay ni Jarren
“ opo, dad “
“ huwag kayo magtitipid, bilhin nyo yung gusto nyong bilhin “
“ salamat dad, pag nag sweldo kami ni Tommy. Babayaran namin ito dad “ sagot ni Jarren
“ ako naman ang magbibigay ng allowance sa inyo bukas, alternate kami ni kuya “
“ kaya dapat galingan ninyo sa office para ma regular kayo “ sabi ng nanay ni Jarren
“ opo, tita “
“ anak, bilisan mong kumain “
“ tapos na po ako “
Tumayo na sa lamesa si Jarren at dinala sa lababo ang pinagkainan niya.
“ Jarren, ako na ang maghuhugas. Kanina pa nag aantay ang tatay mo “
“ salamat po tita. Mi, alis na po kami “
Kinuha ang bag saka lumabas.
Nagpaalam na din si Tommy sa tita at nanay ni Jarren.
Nung nasa sasakyan na sila.
“ anak, susunduin ko ba kayo mamaya? “
“ huwag na po dad, magje-jeep na lang kami tutal malapit lang naman “
“ sure kayo? Baka mahirapan kayong magjeep mamaya “
“ hindi naman po “ sagot ni Tommy
Nakarating na sila sa opisina, bumaba na sila sa harap mismo. Nakita sila ni Anna kaya inantay silang makapasok sa loob.
“ good morning “ sabi ni Anna
“ good morning “ sagot naman ni Jarren
“ ready na ba kayo? “
“ oo naman, kami pa? “ yabang na sagot ni Tommy
Hinatid ni Anna sila Tommy at Jarren sa training room saka pumunta sa opisina.
“ ang ganda niya talaga ano? “
“ maganda nga, kaso torpe mo naman. Paano mo magiging girl friend kung hindi mo liligawan “ sagot ni Tommy
Kinuha ni Jarren ang fone niya saka niya minessage si Anna.
“ hi! Si Jarren to. Invite sana kita sa lunch mamaya “
“ hello, sige. Puntahan ko na lang kayo sa training room. Palabas kasi ako ngayon “
“ saan ka punta? “
“ pupunta ako sa isang office natin, pero babalik din ako agad. Kung sakaling hindi ako umabot sa lunch, bukas na lang tayo sabay kumain “
Sasagot pa sana si Jarren kaso biglang dumating yung trainor nila.
Nagsimula nang pakilala lahat ng mga boss sa company at isa dun si Anna dahil sa anak siya ng may-ari.
Umabot ang tanghali pero walang paramdam si Anna kaya naisip ni Jarren na hindi pa siya nakakabalik sa office.
Mga alas tres ng hapon, second break nila.
Biglang tumunog ang fone ni Jarren kaya agad niyang tiningnan ito.
“ Jarren nasa laguna ako, nagkaroon ng biglaang meeting dito “
“ okay lang, sa ibang araw na lang kapag free ka. Alam ko naman na medyo busy ka “
“ three days akong mawawala sa office, sayang hindi ko makikita graduation nyo “
“ three days? Ang tagal naman yata nun? “
Nagtataka si Anna bakit ganun siya imessage ni Jarren.
“ why? May problem ba? “
“ wala naman kaso hindi kasi kita makikita “
“ sus yun lang ba? kung gusto mo, pag tapos ng office. Mag usap or video call tayo “
“ talaga? Pwede? “
“ oo naman “
Hanggang matapos ang break nila, magkatext sila ni Anna.
“ insan, mamaya na yan. Focus muna tayo sa work, pag out natin saka kayo magtext. Mamaya mahuli ka pa na hindi ka nakikinig “
“ sige insan “
Kaya minessage niya si Anna para sabihin na start na ulit ang training nila.
Hindi namalayan ni Jarren na ala singko na pala. Tiningnan niya ang fone niya at nakita niya na maraming missed call sa kanya si Anna kaya tinawagan niya ito.
“ hello Anna, hindi ko napansin na tumatawag ka. Dami kasing sinabi about sa product, nasaan ka? “
“ hello Jarren, bored kasi ako kanina kaya naisipan kong tawagan ka. Tapos na ba training nyo? “
“ kakatapos lang, pauwi na din kami ni Tommy “
“ may lakad ba kayo sa Saturday? Invite ko sana kayo ni Tommy, may papakilala ako sa inyo “
Nagulat si Jarren sa narinig niya.
“ papakilala? “
“ diba mga single kayo? “
“ oo pero ikaw ang gusto kong maging girl friend “
Napatawa si Anna sa narinig niya.
“ seryoso ka? hindi mo pa ako ganung kilala Jarren “
“ insan halika na, hindi puno ang sasakyan “
Sumakay agad sila habang kausap niya si Anna sa fone.
“ Jarren, nasaan kayo? Ang inggay “
“ nasa jeep kami, pauwi na. tawagan na lang kita pag nasa bahay na ako “
Simula nun palagi na silang magkausap saka magkatext.
Bago matapos ang training nila Jarren, napasagot na niya si Anna.
Kaya kahit sa opisina, lagi silang magkausap. Nasanay na si Jarren na pagkagising niya hanggang matulog sila ang magkachat.
Huling araw na ng training nila kaya masaya si Jarren kahit hindi sila nagkikita ni Anna.
Maagang dumating si Tommy at Jarren sa opisina dahil graduation day nila.
“ insan, kami na ni Anna “ sabi ni Jarren
“ ang bilis naman yata, parang wala pang tatlong araw ah “
“ gusto din daw niya ako “
“ good for you insan, kailan ba pupunta si Anna dito? “
“ ewan ko, pero sabi niya baka Friday daw “
“ Jarren, tawag po kayo sa office “
Nagtaka si Tommy at Jarren kung bakit siya tawag, sumama na din si Tommy sa pinsan niya.
Kumatok muna ito bago pumasok.
“ hi love, surprise. Nandito ako sa graduation mo mamaya “
Hinalikan at niyakap niya si Jarren na kina bigla naman ni Tommy.
“ love, akala ko ba sa Friday pa balik mo? “
“ ayaw mo ba? punta ako sa inyo mamaya ha? makikikain ako “
“ love, hindi ko alam. Wala naman sinabi sa amin “
Ngumiti lang si Anna kay Jarren.
“ love remember kami may-ari. Ganun talaga dito pag tapos ng training may party “
“ oo nga naman “ sagot ni Tommy
“ sige na love, punta na kayo duon baka malate pa kayo. Puntahan ko kayo dun mamaya “
“ sige love, I love you “ sabi ni Jarren
Lumapit si Anna kay Jarren at hinalikan niya ito sa lips.
“ insan, grabe naman ang bilis mo? Napasagot mo agad ang anak ng may-ari “
“ ganun talaga insan “
“ ano ginawa mo? “ nagtatakang tanong ni Tommy
“ hindi ko din alam, basta nung nag I love you ako. Sumagot din siya kaya naging kami na “
“ idol na kita insan “
Pumasok na sila sa training room.
“ guys take your sit, lahat ng tatawagin kong name sa manila area at yung mga hindi ko natawag sa laguna naman “
Nagtinginan sila Tommy at Jarren.
“ sir, hindi ba kami dito lahat? “ tanong ng isang kasama nila sa training
“ karamihan sa inyo sa laguna, magwo-work. Kasama yun sa pipirmahan ninyo na contract “
“ okay po sir “
Tinawag na ang manila area at wala dun ang pangalan ni Tommy at Jarren.
“ huwag kayong mag alala dahil may company house naman tayo dun at every sat half day lang dun kaya pwede kayong umuwi dito “
“ insan sa laguna tayo “ sabi ni Jarren
“ oo nga insan, sa akin walang problem. Kaso sa iyo kasi nandito gf mo “
“ kaya nga ei, alam na kaya ni Anna yun? “
“ yun ang hindi ko alam insan “
Mga ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ng training room, mga food at mga inumin ang dala.
“ guys, lets celebrate dahil tapos na training ninyo at lahat kayo nakapasa. Enjoy na day “
Sa dami ng pagkain lahat sila mabubusog, pati mga beer meron din. Makikita mo talaga na maganda ang kumpanya.
Kumuha na ng pagkain si Tommy at Jarren, saka sila kumain.
Kumuha din si Tommy ng dalawang beer para sa kanila ni Jarren.
“ insan, ang swerte mo. Malakas ka dahil kay Anna “ inggit na sabi ni Tommy
“ hinid naman nila alam na girl friend ko siya dito “
Mga trenta minuto, may kumatok sa training room.
“ good afternoon ma’am, guys si Ms. Anna yung anak ng may-ari ng kumpanya natin “
Bumati naman silang lahat kay Ms. Anna
“ good afternoon guys, mag enjoy lang kayo. Araw ninyo ngayon “
“ thank you ma’am “ sagot nung isa
“ grabe ang ganda ni Ms. Anna “ sabi nung isa
“ oo nga, single pa kaya siya? “
Habang nag uusap yung dalawang kasama nila Jarren, narinig nila ang pinag uusapan.
Lumapit si Anna kina Tommy at Jarren.
“ hi! Alam nyo na kung saan kayong branch? “ tanong ni Anna
“ sa Laguna daw “ sagot ni Tommy
“ ha? bakit duon? Teka kakausapin ko … “
“ huwag na, okay lang. puntahan na lang kita pag Saturday dito sa office “ sabi ni Jarren
“ ma’am “ sabi nung isang kasama nila
Napatingin naman agad si Anna.
“ yes? “ sagot ni Anna
“ thank you po sa pa party sa amin “
“ welcome, mag enjoy lang kayo “
“ kilala nyo po sila Tom at Jarren? “ tanong nung isa
Napatingin si Jarren sa dalawa nilang kasama dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin ni Anna sa tanong sa kanya ng mga kasama niya.
“ matagal ko na friend si Tommy, and boy friend ko naman si Jarren “ sabay yakap kay Jarren
“ kaya naman pala mukhang malakas si Jarren “
“ hindi brod, dumaan ako sa tamang proseso “ sagot ni Jarren
“ kung malakas ang pinsan ko dito, sana hindi na kami nag training “
“ oo nga naman, dumaan sila sa proseso kaya nga ngayon lang ako pumunta dito “ sabi ni Anna
Nagulat ang trainor sa narinig niya, hindi niya expected na si Jarren pala ang bagong boy friend ni Ms. Anna.
Lumapit agad ito.
“ Ma’am totoo po ba na si Jarren ang boy friend nyo? “
“ ah oo, siya ang bf ko kaya nga sinusundo ko siya minsan and sabay kami kumain na lunch pag nandito ako, why? “
“ wala naman po “
“ ah okay, mag enjoy na tayo. Kuha lang ako ng food, kumain ka na ba love? “
Tumango lang si Jarren sa tanong ni Anna, parang hindi makapaniwala sila na si Jarren ang boy friend ni Anna.
“ love, are you okay? Masanay ka na sa mga yan “
“ okay love, beer? “
“ ako na kukuha, kuha na din kita “
Hindi na kumibo si Jarren
Nung tumayo at kumuha ng beer si Anna.
“ kaya naman pala malakas ei, girl friend ang anak ng may-ari “
“ oo nga “
“ bakit may problema ba kayo sa pinsan ko? “
Inawat ni Jarren.
“ hayaan mo na Tommy, baka mamaya tayo pa mapasama kung papatulan natin sila “
Tumalikod na lang si Tommy at hinayaan na lang.
“ Tommy, may problem ba? “ tanong ni Anna
Narinig ng kasamahan nila yung tanong ni Anna kay Tommy.
“ wala love, nag-uusap lang kami kung magstay kami sa office house or magre-rent na lang kami “
“ why? Ayaw nyo dun? “ may room ako duon kung gusto nyo yun na lang gamitin nyo “
“ huwag na love, magrerent na lang kami “
Biglang nag ring ang fone ni Anna.
“ hello, dad im here sa training room. Im with Tommy and Jarren po “
Maya maya binaba na nila ang fone.nagulat sila ng pumasok ang may-ari ng kumpanya.
Bumati ang lahat sa pagdating ng may-ari.
“ congrats sa inyong lahat, mag enjoy lang kayo ha? pwede din kayo magstay kahit anong oras “
“ thank you po sir “
Ngumiti ang may-ari sa lahat. At lumapit siya kay Anna
“ hi dad, nakikiparty ako sa kanila “
“ okay lang anak, musta kayo Tommy at Jarren. Welcome sa company “
“ thank you sir “ sagot ni Jarren
“ kung ano ang kailangan nyo, sabihin mo lang sa akin ha? “
Halatang mga close sila sa may-ari kaya hindi nila pwedeng inisin yung dalawa dahil baka matanggal sila sa trabaho.
“ sige po sir “ sabi ni Tommy
Sabay tingin sa dalawang kasama nila.
“ anak, hinay hinay lang sa pag inom. Wala kang driver ngayon “
“ sige po, tapusin ko lang isang beer babalik na din ako sa opisina ko “
“ okay, guys maiwan ko na kayo ha? have fun “
Saka lumabas na ng training room yung may-ari.
“ love, what time ka uuwi? “ tanong ni Anna
“ ubusin lang namin ni Tommy to tapos uuwi na din kami “
“ sige love, need mo pa nag ayos ng mga gamit ninyo. Hatid ko kayo sa laguna tom “
“ love, huwag na “
“ oo nga Anna, may company car naman “ sabi ni Tommy
“ okay, text mo ako or call mo ako ha? I love you “
“ sige love, I love you too “
Hindi na inubos ni Anna yung beer niya at lumabas na siya ng kwarto.
Lumapit naman yung dalawang kasama nila kina Tommy.
“ bro, pasensya na ha? buti hindi mo kami sinumbong, nagkataon tanggal agad kami “
“ oo nga, sensya na Tommy, Jarren “
“ wala yun, hayaan na natin yun “ sabi ni Jarren
“ friends? “ sabi nung isa
“ friends “ sagot naman ni Jarren
Umabot pa sila Jarren ng isang oras dun saka sila umuwi.
Ring.. ring
“ love, nasaan ka na? “ tanong ni Anna
“ nandito pa sa office, napasarap sa kwentuhan “
“ kung alam ko nandyan ka pa, sana dumaan ako dyan at sabay na tayo umuwi “
“ okay lang, pauwi na din kami “
“ balikan ko kayo dyan tutal malapit pa naman ako sa area “
“ huwag na love, kaya na namin ni Tommy “
“ dapat pag nasa bahay na ako, nandun ka na din sa inyo ha? “ saka binaba ni Anna ang fone
Naisip ni Jarren na parang may ugali ang girl friend niya, grabe kung maka bantay.
“ higpit bro nang girl friend mo ah? Parang may time in and time out ah? “ sabi nung bagong kaibigan nila
“ oo nga insan, hirap nyan. Nakakasakal “
Ayaw na ayaw ni Jarren yung ganung klaseng girl friend, hindi pa silang nagtatagal parang wala ng tiwala sa kanya.
Napilitang umuwi ni Jarren dahil baka mamaya mag away lang sila ni Anna.
Halos wala pa silang isang linggo para mag away agad.
Kaya umuwi na sila Jarren at pag baba nila ng jeep biglang tumawag si Anna, kaya sinagot niya agad ang fone.
“ love nasa bahay na ako “ sabi ni Jarren na halatang naiinis na sa ugali ng gf
“ buti naman, sige mag ayos na kayo ng gamit tapos matulog ka na agad “
“ okay “
“ I love you “ sabi ni Anna
Binaba na agad ni Jarren ang fone. Dumiretso siya sa kwarto para mag ayos ng gmit
“ insan, mukhang masasakal ka kay Anna “
“ oo nga insan, hayaan muna. Tutal sa laguna naman tayo magstay kaya hindi niya ako mamomonitor agad agad saka hindi naman tayo mag stay sa company house “
“ oo nga, buti na lang talaga yun ang sinabi mo. Ayoko din dun magstay “
Tumawag na naman si Anna.
“ bakit gising ka pa? “
“ love, may problem ba kung gising pa ako? “ galit na sagot ni Jarren
“ nag aalala lang ako sa iyo? “
“ alam ko ginagawa ko, patulog na din ako kaso tumawag ka kaya sinagot ko “
“ sige matutulog na ako, goodnight “ nagtatampong sabi ni Anna
“ goodnight “ sabay baba ng telepono
“ insan cool ka lang, yosi? “ yaya ni Tommy
“ sige insan, nakaka pikon si Anna. Days pa lang kami pero wagas kung bantayan ako “
Tumawa lang si Tommy.
“ bilisan mong magyosi baka tumawag ulit si Anna “ pang iinis na sabi ni Tommy
“ halika na nga, matulog na tayo “
Nakatulog agad ang dalawa dahil naka inom sila.
Mga alas kwatro nagising na si Jarren, hindi na siya nakatulog kaya naligo na siya agad.
Ginising na din niya si Tommy para maka alis na din sila ng maaga papuntang laguna.
Mga isang oras nakarating na sila sa laguna kaya dumiretso na sila sa opisina.
“ good morning, kami yung bago sa sales po “ sabi ni Jarren
“ good morning I’m Jasmin, whats your name po para macheck ko? “
“ im Jarren Reyes po, siya naman si Tommy dela Cruz “
“ okay, have a sit po muna. Check ko lang “
Kaya umupo sila sa reception area.
Mga ilang sandali pa ay tinawag sila ni Jasmin.
“ okay po, nakita ko na yung name nyo sa system kaso upon checking tom pa ang pasok nyo dito “
“ ah ok, sige hahanap muna kami ng titirhan. Saan ba ang malapit na mall dito? “
“ sige po, may sm sta rosa dito, saka Pavillion Mall “
“ salamat “
Lumabas na sila duon at naghanap na agad ng matitirhan. Sa paghahanap nila nakaramdam sila ng gutom kaya pumunta muna sila sa Mall.
Una nilang nakita ang Pavillion Mall kaya duon na lang sila pumunta.
“ insan, mag Mcdo na lang tayo “ sabi ni Tommy
“ sige insan “
Pumasok na sila sa Mcdo at umorder ng makakain.
Habang nag aantay sila, may nakita si Jarren na bilihan ng pabango malapit duon kya lumabas siya at tumingin.
“ yes sir “
“ anong pabango ang mabango? “ tanong ni Jarren
“ para kanino po ba? “
“ sa akin sana “
“ halos lahat naman mabango, depende na lang sa gusto nyong amoy “
Mga isa or dalawa lang na scent ang inamoy niya dahil may allergy siya sa pabango.
“ may napili na ba kayo? “
“ wala pa ei, pero babalik ako. Salamat “
“ sige po sir “
Bumalik na si Jarren sa loob ng Mcdo at saka kumain.
Nang matapos silang kumain, nagstay muna sila saglit duon saka sila naghanap ulit ng matitirhan.
Buong araw sila naghanap hanggang nakahanap sila ng isang buong bahay at kinuha na nila yun.
Nagbayad na sila kaya nakuha na nila ang susi saka sila nag ayos ng gamit nila.
Nawala na sa isip nila ang pagkain ng hapunan dahil sa sobrang pagod.