Unang araw na mag aapply sila ng trabaho.
Agad na nag-ayos ang dalawa para maaga silang matapos.
Nilagay agad ni Jarren ang lahat ng kailangan niya sa bag para kung sakaling hingin may maibibigay siya agad.
At ng matapos niya lahat ayusin ay naligo na si Jarren at saka niya ginising si Tommy.
“ insan, gising na. para maaga tayo matapos “ sabi ni Jarren
“ sige insan, maliligo lang ako “
“ sige, baba na ako para makakain. Sumunod ka na lang ha? “
Tumango lang si Tommy kaya bumaba na si Jarren
“ anak, kain na para hindi ka magutom mamaya “
“ opo mi “
“ pinsan mo nasaan? “ tanong ng tita niya
“ naliligo na po, bababa na din po yun agad “
“ sige, mauna ka na kumain at mabilis naman yun kumain “
Kaya umupo na siya at kumain.
Mga ilang sandali pa ay bumaba na ang tatay ni Jarren
“ Jarren, aalis ka? “ tanong nito
“ opo, mag aapply po kami ni Tommy “
“ gusto nyo ba na sumabay na lang sa amin ng tito nyo? Saang lugar ba yun? “
“ hindi ko po alam kung saan lugar, wala po kasing sinabi sa akin sa Tommy pero sasabay nalang kami sa inyo para makatipid kami ng pamasahe “
Inabutan siya ng allowance para sa pag aapply nila.
“ salamat po di “
“ walang anuman anak, sige kumain ka lang diyan ng hindi ka magutom “
“ opo “
“ sa inyo ni Jarren yan, huwag kayo magtipid ha? basta may kailangan ka, humingi ka lang sa akin “
“ opo, salamat po “
Habang nag uusap si Jarren at ang tatay niya bumaba na din si Tommy.
“ iho, kumain ka na “ sabi ng tatay ni Jarren
“ opo tito “
Agad agad umupo si Tommy para kumain.
Naghahanda naman ang tita ni Jarren ng sandwich para sa kanila.
“ iho, saang lugar ba kayo nag aapply? “ tanong ng tatay ni Jarren
“ malapit lang po dito tito, along Quezon City lang din po “
“ mabuti yun, sige tapusin nyo na ang pagkain nyo para makaalis na tayo “
“ opo tito, san pala si daddy? “ tanong ni Tommy
“ nauna na siyang umalis kanina, ito pala mga baon nyo “ sagot ni nanay ni Tommy
Inaantay ni Jarren matapos si Tommy sa pagkain.
Mga ilang sandali pa ay paalis na sila.
Nagpaalam na sila sa nanay at tita ni Jarren
trenta minuto nakalipas.
“ tito, dito na lang kami “ sabi ni Tommy
“ malapit nga lang ang pag aaplyan ninyo, sige mag ingat kayo at Goodluck “ sabi ng tatay ni Jarren
Bumaba na ang dalawa at dumiretso na sila sa opisina.
Tiningnan nila ang mga hiring.
“ insan may office work dito, yun ang aplayan natin “ sabi ni Tommy
“ sige, insan “
Pumunta sila sa reception area at nagbigay ng resume.
Tinawagan naman ni Tommy yung kaibigan niya kaya nilabas ito.
“ Tommy “
“ Anna “ sagot ni Tommy
“ binigay mo na yung resume mo sa reception? “ tanong ni Anna
“ oo, kami ng pinsan ko. Anna pinsan ko pala si Jarren “
“ hi Jarren, ano ba aaplayan nyo? “ tanong ni Anna
“ hello “ sagot ni Jarren
“ sa office sana “ sagot naman ni Tommy
“ ah sige, check ko resume nyo. Upo muna kayo, mamaya tatawagin na kayo sa first interview “ sabi ni Anna
“ sige po ma’am, salamat “ sagot ni Jarren
Saka pumunta si Anna sa reception at tiningnan ang resume nila, saka sumenyas na papasok na siya sa loob.
“ insan, ang ganda ni Anna “ sabi ni Jarren
“ don’t say gusto mo? “ tanong ni Tommy
Ngumiti lang ito sa pinsan niya.
Habang nag aantay sila, naisip ni Jarren yung nanghula sa kanya nung kumuha siya ng NBI. Ito na kaya yung tamang babae sa kanya. May parang naramdaman siyang kakaiba nung una niyang nakita si Anna.
Habang nag-iisip siya, bigla naman tinawag ang pangalan niya.
“ uy insan, tawag ka “ sabi ni Tommy
“ ha? “
Agad siyang tumayo at pumunta sa reception.
“ ma’am ako po yung tinawag nyo “
“ sige, pasok ka sa room 1. Initial interview mo na “
“ okay po “
Pumasok na siya sa loob at hinanap ang room 1.
Kumatok muna siya bago pumasok, nagulat siya nung nakita niya si Anna pala ang mag iinterview sa kanya.
“ have a sit Jarren “ sabi ni Anna
Kaya umupo agad siya at ni relax ang isip.
“ nakatapos ka pala ng marketing, bakit hindi marketing ang inaplayan mo? “
“ actually ma’am, kahit anong position po okay ako basta magkaroon lang ako ng trabaho “
“ kung sakali na matanggap ka, willing ka ba mag under go ng training? At madestino sa ibat ibang lugar? “
“ yes ma’am “
“ itry natin sa marketing, ngayon kung hindi mo kaya saka kita ilalagay kung saan ka fit na trabaho “
“ sige po ma’am “
“ sa totoo lang, maganda ang offer sa marketing kasi bukod sa salary may commission ka pa “
“ gusto ko po yun, kakayanin ko ma’am “
“ that’s good, sige prepare kita sa exam. Paki tawag na din si Tommy “
“ thank you ma’am “
Tumayo at lumabas na siya sa kwarto ni Ms. Anna at sinabi ni Jarren kay Tommy na pumunta sa room 1 para sa interview.
Kinuha ni Jarren ang fone niya at nagbasa basa ng about sa company, at kung ano mga products nila.
Hanggang naisip niya na kaya naman niya yung marketing kasi masipag naman siya at para mas mabilis siyang maka ipon.
Mga ilang sandali pa ay lumabas na si Tommy
“ insan, ano sabi sa iyo? “ tanong ni Jarren
“ try ko daw sa marketing, kasi bukod sa sweldo may commission pa “
“ oo nga, parehas tayo. Ready na lang tayo sa exam “
“ oo nga insan, sana parehas tayong matanggap “
Wala pang limang minute, tinawag na ang mga mag eexam at kasama na dun sila Tommy at Jarren
“ guys, fifteen minutes lang ang exam. At kung sakali makapasa kayo isu-submit nyo na mga requirements nyo sa reception “
“ insan, bongga tapos na agad pag nakapasa tayo. Galingan natin ang exam “ sabi ni Tommy
“ oo insan, galingan natin “
“ pass na paper sa likod ninyo, wala ng usapan pag nagsimula na ang exam. Mahuli ko na nag-uusap automatic failed na agad “
Nagtinginan na lang silang mag pinsan at nagsimula na silang mag exam.
Si Jarren wala pang ten minutes tapos na kaya agad na niyang binigay ang papel niya at saka lumabas na ng examination room.
Si Tommy naman halos pa tapos na din pero inantay niya talaga yung fifteen minutes saka lumabas.
“ insan, ang bilis mo naman natapos sa exam “ sabi ni Tommy
“ ayoko na kasi magstay dun, tutal tapos na naman ako kaya binigay ko na agad papel ko “
‘ sabagay “
“ guys take your lunch first, bumalik na lang kayo ng exactly one pm para masabi ko kung sinu suno mga nakapasa “
“ insan, halika kain na muna tayo “ yaya ni Jarren
“ pamasahe lang pera ko, para sa ating dalawa. Kung kakain pa tayo, maglalakad tayo pauwi “
“ pumunta na lang tayo sa canteen, may sandwich tayo diba? Softdrinks na lang bilhin natin. May bingay naman sa atin si daddy allowance nating dalawa “
“ sige insan “
Habang naglalakad sila papunta sa canteen, nasalubong nila si Anna.
“ Tommy, Jarren pa lunch ba kayo? “
“ ha? oo, papunta kami sa canteen para bumili ng softdrinks “ sagot ni Tommy
“ sabay na ako sa inyo “
“ ei sige “ sagot ni Tommy
Nauuna si Anna papuntang canteen.
“ insan, baka magshort tayo? “ bulog ni Tommy
“ huwag muna tayo kumuha ng softdrinks hanggang hindi pa natin alam kung ano order niya “
“ sige “
“ ano sa inyo? “ Tanong ni Anna
“ ikaw, ano sa iyo. Treat ka na namin ng pinsan ko “ sabi ni Tommy
“ sure ba kayo? Ako na lang magtreat sa inyo, pag natanggap na kayo sa unang sweldo dapat treat nyo na ako lalo kung sa marketing kayo ma assign “
“ nakakahiya naman Ma’am “ sabi ni Jarren
“ ano ka ba? huwag ka naman maging formal, wala na tayo sa interview. Anna na lang tawag mo sa akin “
Napangitin si Jarren sa sinabi ni Anna.
“ nakakahiya naman Anna “
“ para naman hindi tayo magkaibigan niyan ei, sige na. anong gusto nyo? Treat ko ngayon “
Tumingin na si Jarren at Tommy ng mga order nila saka nila sinabi kay Anna.
“ sure ba kayo na yan lang order nyo? Mag dessert kayo “
“ okay na kami, may dala pa nga kaming sandwich. Bibili lang kami ng softdrinks “ sabi ni Jarren
“ di kainin natin ang sandwich na dala nyo tapos magrice pa tayo, walang masasayang diba? “
“ sige po “ sabi ni Jarren
“ isa pa na i-ma’am mo ako or mag opo ka sa akin, hindi ka matatanggap “ nakatawang sabi ni Anna
Na parang sure na sure siya na matatanggap talaga sila ng pinsan niya.
Habang kumakain sila, may lumapit sa kanila.
Nakita ni Jarren na yun yung may-ari ng kumpanya pinag aaplayan nila.
“ Anna “ sabi ng may-ari
Napatingin naman agad si Anna sa tumawag sa kanya.
“ dad “
“ hinanap kita sa office mo, wala ka. sino pala sila? “ tanong nito
“ dad, mga friends ko si Tommy at si Jarren. Nag apply pala sila dito sa sales “
“ ganun ba? kunin mo na mag requirements nila at magsimula na sila bukas “
“ talaga dad? “
“ yes, iha. Huwag mo na silang pag examine “
“ naku sir, salamat po “ sabi ni Jarren
“ thank you sir “
“ wala yun, welcome sa company namin ang lahat ng kaibigan ng nag-iisang anak ko. Sige kumain na kayo “
“ thanks dad, guys submit nyo na agad yung requirements nyo and you can start daw tomorrow “
“ sige, submit namin pag tapos natin kumain “ sagot ni Jarren
Minadali ng dalawa ang pagkain nila at inaantay na lang nila matapos si Anna sa pagkain.
“ guys kung tapos na kayo, mauna na kayo sa akin. Okay lang? basta yung treat nyo sa unang sweldo ha? “ sabi ni Anna
“ oo naman, maraming salamat talaga “ sabi ni Jarren
Tumayo na sila at pumunta agad sa reception para ibigay ang mga requirements.
“ kayo ba yung dalawang sinabihan ng boss namin na magsubmit ng requirements? “
“ yes ma’am “ sabi ni Tommy
Kaya kinuha na sa reception mga kailangan nilang isubmit.
“ bukas maaga kayo kasi may training 8am to 5pm ang pasok “
“ sige po ma’am “
Saka sila umalis.
Habang nag aantay sila ng masasakyan.
“ insan, halika maglakad na lang tayo? “ sabi ni Tommy
“ okay lang ba sa iyo? “ tanong ni Jarren
“ oo naman, kaysa naman mag antay tayo dito. mukhang mahirap sumakay ngayon dahil punuan sa pag sakay sa jeep “
Nagsimula na silang maglakad.
Mga isang oras nakarating na sila sa bahay.
Kinuwento agad ni Jarren sa nanay niya na may trabaho na sila ni Tommy at magsisimula na sila bukas.
Kaya nagpabili nanay ni Jarren sa tita niya ng manok para celebration na din dahil may trabaho na ang anak at pamangkin niya.
Habang kumakain sila, masaya silang nagkwe-kwentuhan.
“ insan, sa sabado. Mag inuman naman tayo para naman makapag celebrate tayo “
“ sige insan, yan nga din naiisip ko kaso hindi ko naman sure kung umiinom ka “
“ naku Jarren, yan pa “ sabay ngiti ng nanay ni Tommy
“ si Jarren na inom din pampatulog ba, kasama ang daddy niya. Bonding nila yun pag sabado ng gabi “
“ sakto tita, mag eenjoy talaga ako kasi si daddy kung uminom once a month lang yata “
Tumawa si Jarren at nanay niya.
“ buti na lang insan, dito na kayo medyo marami na tayo magbobonding “
“ oo nga insan “
“ naku Tommy, nagkaroon ka ng ka bonding mo “ sabi ng nanay ni Tommy
“ sana nga hindi na kayo lumipat, dito na lang tayo sama sama “ sabi naman ng nanay ni Jarren
“ oo ate, hahati na lang kami sa gastusin at bayad sa renta “ sagot ng nanay ni Tommy
“ kami na bahala ni insan, may trabaho na yata kami “ sabi ni Tommy
“ oo nga mi, tita. Pag naging stable na trabaho namin ni Tommy. Mag retire na sila daddy at tito “
“ magiging stable din kayo mga anak “
Nang matapos silang mag kwentuhan ay umakyat na ang dalawa sa kwarto.
“ insan, ang ganda ni Ms. Anna “
“ gusto mo talaga siya? Lakad kita gusto mo? “
“ insan, huwag na may-ari sila ng pinapasukan natin. Nakakahiya naman kung liligawan ko siya “
“ walang masama duon, binata ka at dalaga naman siya “
“ kahit na, malayo ang agwat ng istado natin sa buhay. Mayaman siya at ordinary lang tayo “
“ walang ganyan sa pagmamahal insan, sige ka? sa ganda nya baka maunahan ka na naman “
“ bahala na, lika na nga. Matulog na tayo at bukas maaga pa tayo para sa training natin “
“ sige insan, pag isipan mo sinabi ko sa iyo. Malay mo siya pala ang babae para sa iyo kaso hinayaan mo lang “
“ matulog na nga tayo “
Ngumisi lang si Tommy at sakay tumalikod na sa pinsan niya.
Naisip niya, hindi nga kaya siya yung sinasabi nung nanghula sa kanya? Paano nga kung siya yung babaeng naka tadhana sa kanya kung hindi niya liligawan. Habang nag iisip siya hindi niya namamalayan na naka tulog na pala siya.