Chapter 55 "Maraming salamat mga kaibigan sa pagpunta huh? Sa pagsagip sa akin. Kung hindi pa kayo dumating ay baka inihaw na kaluluwa na ako rito." Muling nagpasalamat si Angela sa mga kaibigang sina Jelor, Santi at Santo. "Ikaw pa ba pababayaan namin?" Tugon ni Jelor. "Tsaka parang kahit hindi kami dumating ay kakayanin mo namang talunin ang Diyosang 'yun." Saad naman ni Santo. "Kaya nga. Ibang klase ka kaya Angela." Dugtong ni Santi. "Paano? Kailangan niyo nang bumalik sa Vatican at maghanda sa gaganaping itim na misa. Ako naman ay kailangan nang makapunta sa hotel dito sa Maldives para sa Illuminati Ball." "Okay sige. Mag- iingat ka huh?" Hinawakan ni Jelor ang kanyang balikat. "Kayo rin mag- iingat kayo." Tugon niya. Naglaho na nga ang mga ito. Umarkila siya ng bagong yate n

