Chapter 54 Noong unang panahon sa daigdig kung saan kaunti pa lamang ang mga tao... Nang mga panahong iyon ay kasama pang naninirahan ng mga tao ang mga Diyosa. Diyosa ng Hangin, Diyosa ng Tubig at Diyosa ng Apoy. Lingid sa kaalaman ng lahat sila ay mga espesyal na nilalang na kung saan- saan namalagi sa kalawakan. Nakita na nila ang Diyos at si Satanas. Lubha silang nagalak nang makita ang ganda ng mundo. Ninais na nilang manirahan dito. Sa simula'y masaya at maayos ang samahan ng mga tao at ng mga Diyosa. Sagana na sa mga likas na yaman ang mundo ngunit mas pinagyayaman pa iyon ng mga Diyosa. Malinis na tubig at hangin. Tamang init. Halos sambahin na rin sila ng mga tao tulad ng pagsamba nila sa Diyos. Sa pagdaan ng mga panahon ay naging matalino at mapaghangad ang mga tao. Gumawa n

