Chapter 61 "Dalhin sa b****a ng purgatoryo ang babaeng kaluluwang naipit sa lupa pati na si Damian." Utos ng Itim na Santo Papa. "Maraming naghihintay na pagsubok doon sa mga kaluluwang naipit sa lupa. Mahahati sila. May magliligtas sa kanilang kasama. May kailangang pumigil sa itim na misa." "Masusunod Panginoong Satanas." Yumukod si Dement. Siyang tunay. Nasa katawan na ng Itim na Santo Papang Hudas si Satanas. .......... "Wag! Wag po! Patawarin niyo ako! Wag niyo po akong papatayin! Parang awa niyo na po!" Pakiusap ng Santo Papa sa kanyang Diyos na si Satanas. "Hindi kita papatayin. Kakailanganin pa kita. Hindi pa tapos ang itim na misa." Tugon nito. "Marami pong salamat mahal na Satanas. Maraming-maraming salamat po." Umiiyak siyang humalik sa nagbabagang paa nito. "Wag kang ma

