Chapter 60 "Bye enjoy your trip back home!" Pamamaalam ni Paris sa mga bagong myembro ng Illuminati. Nakamasid lang si Regiena sa likod nito. "Bye! Thank you!" "Bye!" Tugon ng mga ito. Nang makalayo na ang kanilang mga bisita ay saka siya lumapit kay Paris upang tanungin sa kanyang napansin. "Bakit hindi mo pa sila kinausap sa ibang lenggwahe? Bakit hindi ka nag- Tagalog?" Tanong niya rito. "Hindi natuloy ang itim na misa." Iritableng tugon nito. "Ano?!" Kunyari'y disappointed siya. "Oo. Napigilan na naman ng mga kaluluwang naipit sa lupa. Iipitin ko na talaga ang mga 'yun. Kaya walang bisa ang naging Illuminati Ball. Nakakagigil din ang Itim na Santo Papang 'yun. Pumalpak na naman siya." "Paano na ngayon ang ball? Uulitin ba natin? Hindi mo sila dapat pinaalis." Patuloy lang s

