Chapter 65 Nasa yate na sina Regiena at Paris nang maisipan niya itong tanungin. "Bakit ka sumali sa Illuminati? Dahil lang ba talaga sa kasikatan, kayamanan at kapangyarihan?" "Oo." Tinitigan siya nito. "Bilang tao ang hirap maging masaya. Ang hirap makahanap ng pagmamahal." "Nahanap mo 'yun sa kasikatan, kayamanan at kapangyarihan?" Muli niyang tanong. "Oo. Sa mga bagay na 'yun nagawa kong bumili ng kasiyahan. Nagawa kong kumuha ng atensyon ng iba at mahalin nila kahit sa walang kwentang dahilan." Lumapit ito sa kanya. "Narinig ko nga pala ang pakikipag- usap mo sa lalaking kaluluwang naipit sa lupa. May relasyon kayo? Hindi nawala ang alaala mo. Niloloko mo ang mahal na Satanas." "A- ano?" Saka siya nito tinulak sa yate pababa sa gitna ng dagat. "Aaaaaaah!" Palubog siya nang p

