Chapter 68 Nang hindi na niya nararamdaman ang presensya nito ay saka niya minulat ang kanyang mga mata. "Kitang- kita ko Regiena. Si Dement 'yun! Lumapit siya sa atin ngunit hindi niya tayo nakita. Lumalabas na ang iyong kapangyarihan!" Bulalas ni Jelor sa kanya. Pagtingin niya sa kanyang mga palad ay umiilaw iyon. "Ngunit hindi ko pa rin talaga alam kung paano gagamitin ang aking mga kapangyarihan. Ano nga ba ang mga 'yun?" Saka niya sinara ang kanyang mga palad at doon lamang nawala ang liwanag. "Hmmm... saan at sino ang dapat nating tanungin." Biglang sumigla ang mukha nito. "Alam ko na!" "Alam mo na kung kanino tayo pwedeng magtanong?" Tanong niya. "Oo. Sa nilalang na nagmamasid at nakakarinig sa lahat. Sa Tagapagbantay ng Lupa." Hindi na sila nag- aksaya pa ng oras. Kaagad s

