Chapter 67 "Hindi ko alam kung anong halaga ng ginawa ko Regiena." Sambit ni Jelor habang pinagmamasdan ang mukha ni Regiena. Ang mga mata nito'y kumikislap at tila ba puno ng pagmamahal. "Ang alam ko lang ay mahal kita at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Hindi ko kakayaning mawala ka Regiena. Ang pangarap ko nalang ngayon ay makasama ka at ang anak natin bilang isang buong pamilya, matapos ang misyon namin. Kaya sasamahan kita sa labang ito upang matapos na ang kasamaan sa mundo." Uupo sana siya mula sa pagkakahiga ngunit nanghihina pa ang kanyang katawan. "Maraming salamat Jelor. Hindi mo alam kung paano mo nabuo ang buhay ko. Kanina habang nag- aagaw buhay ako ay may mga importanteng nilalang ang nakausap ko. Lahat daw nang nangyari sa buhay ko ay may dahilan papunta sa

