Chapter 13 "Okay Regiena strike a pose!" Saad ng photographer kay Regiena para sa isang magazine shoot. Mahigit isang taon na ang nakalipas mula noong pumanaw si Jelor. Nagpatuloy na nga siya sa buhay para sa anak na si Jelor Jr. Labis naman siyang sinwerte sa mga sumunod na ganap sa kanyang buhay. Kaagad siyang sumikat bilang isang runway at print ad model. Lucky charm niya ang anak. At baka ginagabayan na siyang muli ni Jelor bilang kanyang guardian angel. Nakabili na siya ng condo unit at mayroon na ring sasakyan sa loob ng sandaling panahon. "Magpahinga ka na muna Reg. May runway ka pa mamayang 8PM para dun sa clothing brand na ine- endorse mo." Saad sa kanya ng kanyang PA na si Brenda. Isa itong bading na hired ng kanyang bagong modeling agency. Umalis na siya kay Gary to make a c

