Chapter Thirteen Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang manalangin. Nabigla siya ng tila napunta siya sa ibang lugar. Lugar na puno ng puting usok. Ng mga ulap. "N-nasaan ako?" Tanong ni Regiena. "Maligayang pagbabalik sa kaulapan Regiena. Wag mo na munang ididilat ang iyong mga nata. Ako si Omar Enri. Isang anghel at isang kaibigan." Sambit ng isang anghel na dahan-dahan bumaba sa kanyang harapan. "B-bakit ako narito? Hindi na ako anghel hindi ba?" "Umupo ka at hawakan ang mga ulap." Utos nito. Dahan-dahan naman nyang sinunod ang anghel. Paghawak niya sa mga ulap ay isang mabilis na pasada ng kanyang dating buhay bilang isang anghel ang naganap. Naluha siya ng makita ang kabuuan ng mga pangyayari bago siya mamatay. "Hindi siya ang pumatay sa akin..." saka dumaloy ang luha sa kanya

