Chapter Twelve "H-hindi yan totoo." Nauutal na pasubali ni Jelor sa mga tinuran ni Regiena. "Magsisinungaling ka pa rin talaga? Ano ba ang totoo sa mga sinabi at pinakita mo sa akin Jelor huh?! Pati yung pag-ibig na pinakita at pinaramdam mo sa akin malamang huwad, tama ba?!" Galit at walang tigil sa pagluhang tugon nito at litanya ang mga masasakit na katanungan. "Yan ang wag mong pagdududahan dahil mahal talaga kita Regiena. Mahal na mahal kita. Naandito ako para sayo. Ikaw ang dahilan ng buhay ko sa lupa. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging tao at sinamahan mo ako para maramdaman ang mga bagay na dapat kong maramdaman bilang isang taong umiibig. Noong una misyon lang kita. Hanggang sa inibig at pinangarap na kita na magkasama tayo habang buhay bilang mga tao." Tinatangka niya

