Chapter 46 Tanghaling tapat nang siya'y lumabas ng Vatican. Mas maiging araw upang hindi magduda ang mga demonyo sa simbahan. Umaasa siyang magpapakita sa kanya si Jelor. "Jelor nasaan ka na ba? Kailangan nating magkita. Miss na miss na kita." Sambit ni Regiena. "Talaga ba? Miss mo na ako?" Agad siyang humarap sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Jelor." Sinambit niya ang ngalan nito nang buong pagmamahal. Nakangiti siya ngunit pumatak din ang luha sa kanyang mga mata. Luha ng kasiyahan. "Regiena." Binanggit din nito ang kanyang ngalan. Saka sila nagsalo sa isang mahigpit na yakap. Tila napakatagal ng mga sandaling hindi sila nagkasama. Para silang nagkahiwalay sa matagal na panahon. "Masaya ako't ligtas ka. Mahal na mahal kita." Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya. "Mahal

