Chapter 49 "Santo Papang Hudas." Sambit ni Satanas kay Papang Hudas. Labis siyang nabigla sa pagbisita sa kanya sa Vatican ng hari ng impyerno. Hindi pa nila nasasagawa ang mga itim na misa kaya hindi pa makakatagal sa ibabaw ng lupa si Satanas. Kapag tuluyan nilang napalaganap ang kasamaan sa pamamagitan ng mga itim na misa at ng Illuminati Ball ay makakapamalagi na ang kanilang hari sa ibabaw. Mas magiging makapangyarihan ito. Magkakaroon ito ng mas malawak na hawak kumpara sa langit. "Mahal na Satanas." Siya ay lumuhod sa harap nito. "Ano pong inyong ginagawa rito?" "Sumaglit lamang ako." Lumakad ito palapit sa kanya saka hinawakan ang kanyang balikat. "Malaki ang tiwala ko sa iyo Hudas. Ikaw ang kauna- unahang myembro ng Illuminati na galing sa simbahang Katolika. Mula sa isang n

