Chapter 50 "Tagapagbantay?" Pagtawag ni Jelor nang nasa labas na sila ng kubo. "Kami ang mga kaluluwang naipit sa lupa. Nais ka sana naming makausap." "Maligayang pagdating." Labis nilang ikinagulat ang nakitang lumabas sa bahay- kubo. Isang lalaking ubod na ng tanda at may tungkod ang Tagapagbantay. Hindi lang basta matanda na kulubot ang mga balat at kuba na. Para itong patay na pero humihinga pa. Bakas ang isanlibong taon sa itsura nito. Literal na matanda. "Kayo po ang Tagapagbantay ng Lupa?" Tanong ni Santo. Siniko niya ito. "Ako nga. Kahit ganito ako katandang tingnan ay tanging ang Diyos lamang ang pwedeng kumitil sa aking buhay. Kahit si Satanas ay walang kakayahang kantiin ako." Saad ng Tagapagbantay. "Hindi po ba mahirap? One thousand years tapos nandito lang kayo?" Hindi

