Chapter 51 "Maaari kang manatili rito upang kumain ng kumain at samahan ako. Sunod nating pupuntahan ay isang sauna. Doon tayo magpapamasahe at magpapasarap. Ganito lamang ang magiging buhay natin." Kumunot ang kanyang noo. Napataas ang kanyang kilay. Doon niya napagtantong may mali na sa mga nangyayari. "Patawad Diyosa ng Hangin ngunit hindi ako narito upang magpasarap at samahan ka sa habang panahon." Tinitigan niya ito sa mga mata. "Narito ako upang hingin ang inyong tulong laban sa pagbabanta ng pananakop ng kasamaan sa mundo. Kailangan ko pong makabalik bago ang itim na misa. Patawarin niyo ako. Hindi ko kayo masasamahan sa lahat ng gusto ninyo." Saad ni Santo. "Magaling ikaw ay nakapasa." Saad ng Diyosa ng Hangin. "Hindi na nangibabaw sayo ang luho ng mundo kahit na alam mo sa s

