Chapter 52 "Paano kung sabihin ko sayong may kakayahan akong baguhin ang buhay mo." Nakipagtitigan ang Tagapagbantay ng Lupa kay Jelor. "A- ano pong ibig ninyong sabihin?" Tanong niya rito. "Kaya kong ibigay sayo ang hatol na maging taong muli. Gayundin kay Regiena. Magiging siyang normal na tao na hindi kailangang iligtas ang mundo. Makakasama mo na ng buo at habang buhay ang pamilya mo dito sa lupa. Sabihin mo lang na pumapayag ka at magiging malaya kayo sa misyong ito at magsasama na kayo bilang isang pamilya." Natigalgal siya at hindi nakasagot. Seryoso ba ito? It was a tempting offer. "Nababasa ko ang iniisip mo." Biglang saad nito. "Hindi kita niloloko. Sa isang iglap lang ay kaya kong baguhin ang buhay ng pamilya mo. Sa isang kisap- mata ay magiging normal at masayang pamilya

