Chapter 53 "Sino ka?" Si Angela lang ang naglakas ng loob. Alam niyang may kaaway sa paligid. "Angela na gamit ang mukha ni Katy Grande." Isang babaeng umaapoy ang lumitaw. Hindi naman iyon si Lilith. Mabuti nalang at hindi naintindihan ng team ni Katy ang mga sinabi nito, na hindi siya ang totoong Katy Grande. "Sino ka?!" Muli niyang inulit ang naunang tanong dito. "Ako ang Diyosa ng Apoy at ikaw ang aking kailangan! Magtutuos tayo babaeng kaluluwa na naipit sa lupa!" "Diyosa ng Apoy?" Noon niya lamang narinig 'yun. Ang alam niya lang ay may mga nilalang nga na makapangyarihan na naninirahan sa lupa tulad ng Tagapagbantay ng Lupa. "Oo ako nga! Ang pinakamakapangyarihan sa tatlong Diyosang naninirahan sa mundo ng mga tao! Ako rin ang tanging nakapanig kay Satanas!" Tila nag- iinit

